Alexandra's PovNakaupo pa rin ako sa gilid ng kama nang bumukas ang pinto at pumasok siya. Si Xian.Sa unang tingin pa lang, ramdam ko na agad ang bigat na nakadagan sa kanya—parang bawat hakbang ay hinihila siya pababa ng isang bagay na hindi nakikita. Nakayuko siya, magulo ang buhok, at ang balikat na laging tuwid at matigas ay ngayon ay nakalugmok sa pagod at lungkot. Alam ko na ang nangyari; nagtanong na ako sa mga katulong kanina, at nalaman kong dinala sa ospital ang tatay niya matapos mabagok ang ulo. Pero kahit alam ko na ang pangyayari, hindi ko inaasahan na ganito kabigat ang dalang pagdurusa ng mukha niya pagbalik.gusto ko sanang magtanong, kung kumusta ba ang lagay ng matanda, kung may pag-asa pa bang gumaling ito nang tuluyan. Pero bago pa man ako makapagsalita ng kahit ano, inopen na agad niya ang tungkol sa kasal. ang boses niya ay halos walang buhay pero puno ng desperasyon. “Alexandra, we need to talk about our wedding,” panimula niya, at kitang-kita ko ang pangin
اقرأ المزيد