Nagliban si Edward ng isang araw sa trabaho para samahan ang nobya para makahanap ng trabahong makakatulong sa kanilang pangangailangan. Alam ni Edward kung gaano kagipit ang sitwasyon nila, lalo na’t kailangan niyang alagaan ang nakababatang kapatid, kaya’t hindi siya umalis sa tabi ni Alexandra. “We’ll find something, Alex. Don’t worry,” laging sinasabi niya habang hinahaplos ang kamay nito."Oo, Edward. Para sa atin din ito," sagot naman ni Alexandra. Mula umaga, nag-ikot ikot na sila. matiyagang naghahanap ng bakante na trabaho. Bawal fast Food, mall, botika, at mga restaurant, isa-isa nilang pinasahan ng resume. "Yes, natanggap ako!" "Congratulations, mahal. pero sigurado ka ba na kakayanin mo?""Syempre naman kakayanin ko. Sanay ako sa hirap kaya basic lang sa akin yung ganito." Sa wakas, natanggap siya sa isang sikat na restoran sa sentro ng bayan. Ang oras ng trabaho ay alas-dos ng hapon hanggang alas-onse ng gabi, at minimum na sahod lang ang ibinibigay nito—pero para
Read more