POV: Alexandra Nang makita ko siyang pumasok at ituro ang pangalan ko, parang huminto ang tibok ng puso ko. Si Edward… nandito siya—sa lugar na ito. Hindi ko inaasahan na makikita ko siyang tatapak at papasok sa lugar na ito. Dati, kapag tumitingin siya sa akin, puno ‘yon ng lambing, pagmamahal, at pag‑aalala. Pero ngayon? Ang mga matang nakatitig sa akin ay malamig, matalim, at tila walang natirang kabutihan para sa akin. Ibang‑iba na siya—o marahil ito na ang naging anyo niya dahil sa lahat ng sakit na akala niya’y ibinigay ko sa kanya. Nang umupo ako sa tabi niya, bawat salitang bumabasag sa katahimikan ay parang patalim na paulit‑ulit tumatarak sa dibdib ko. Sinasabi niyang nakita na niya ang tunay kong kulay, na hindi na ako dapat kaawaan, na binayaran niya ang bawat sandali ko kaya kailangan kong sumunod. Hindi ko na kinaya ang bigat ng bawat paratang, at tuluyan nang bumigay ang lahat ng tinatagong lakas ko. “Edward… tama na!!! Tama na ‘yan… please, tigilan mo na,” pakiusap
Magbasa pa