Lumipas ang ilang buwan, at unti-unti kong naramdaman ang pagbabago sa sarili ko at sa buhay ko. Bumalik ako sa trabaho, pero tulad ng sinabi ko, ibang-iba na ang takbo ng isip at kilos ko. Naranasan ko na yung wala at naranasan ko na rin ang pakiramdam ng meron. Ang alam ng mga tao sa paligid ko, may kaya na ako kaya hindi na pwedeng bumalik ako sa dating ako. Bilang entertainer, malinaw sa akin ang trabaho ko na maging magalang, masayahin, at marunong makisama ss mga guest. Pero sa likod ng bawat ngiti at kwentuhan, may matibay na pader na itinayo ko. Hindi na ako yung Alexandra na madaling pinaniniwalaan ang matatamis na salita, o yung hahayaan ang sinumang lalaki na magdesisyon para sa akin. Hindi na ako nananatili sa iisang tao lang. Noon, kapag may isang nagpakita ng espesyal na atensyon, madaling nahuhulog ang loob ko, umaasang siya na ang magiging sagot sa lahat ng pangangailangan ko. Ngayon, alam ko na ang laro. Kapag may lalaking lumapit, nag-aalok ng inumin, regal
Mehr lesen