Edward’s POV Dahil sa unang panalo, na-engganyo ako. Tuwing kinakapos ako, doon ko naiisip na lumaro. Sa isip-isip ko, kontrol ko naman. Kapag nanalo, inaalis ko na agad at kinakash-out. Sabi ko minsanan lang talaga, pero habang tumatagal, lalo akong nahihikayat. Tuwing sumasakit ang ulo ko sa mga bayarin, sa pangangailangan nina Alexandra, at sa sarili kong pamilya, ang unang pumapasok sa isip ko ay sumubok ulit, lumaro, sigurado panalo ka na naman. Nagsimula sa maliliit na halaga. Sa tuwing nananalo, mabilis ko ring ibinibili ng pagkain, gamit sa bahay, o pang‑aral ng mga bata. Nakikita ko ang tuwa ni Alexandra, ang ginhawa sa mukha niya, at lalo akong naniwalang ito ang tamang paraan. Pero hindi ko namamalayang unti‑unti na akong naiipit. Kapag natatalo, pilit kong binabawi sa susunod na taya—sinasabing sa sarili ko na last na ito, hanggang sa napapalaki ko na ang halagang inilalabas. Nadadamay na ang yung bahagi ng sahod ko bago pa man umuwi. Minsan ay nakakautang pa ako
Read more