Pagkatapos ng almusal, handa na kaming umalis ni Aviv. Pero bago pa kami tuluyang makaalis, naalala kong may naiwan akong gamit sa kwarto namin, kaya nagmamadali akong umakyat para kunin iyon. Pagkapulot ko sa folder na nakapatong sa study table, agad akong lumabas ng kwarto at nagmamadaling naglakad sa hallway. Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla akong mapahinto. Nandoon si Kian. Nakasandal siya sa pader, tahimik na naghihintay. Sa paraan ng pagkakatayo niya, halatang may hinihintay siyang tao, at pakiramdam ko, ako iyon. Nang makita niya ako, agad siyang napaayos ng tayo at dahan-dahang napahugot ng hangin. “Birthday mo na next month, ’di ba?” tanong niya sa maamong mukha. Tanging isang maikling “Mm” lang ang naisagot ko bago tumango. “Puwede mo bang imbitahin si Madison sa birthday celebration mo?” hiling niya sa akin. “Kinabukasan pagkatapos ng birthday mo, iyon na ang flight ko patungong New York City. Gusto ko lang siyang makausap kahit sa huling sanda
Read more