MasukAviv POV“Pasensya na, hindi ko agad sinabi ang panganib sa lugar na ito. Maraming gumagala-galang rebelde rito,” paumanhin sa akin ni Mama. Maingat niyang inilapag ang basong may lamang tubig sa mesa. “Kung sinabi ko lang sana iyon nang mas maaga, hindi sana siya dinukot.”Saglit akong napatitig sa baso bago ko ito inabot at ininom ang laman.“Nag-alala ba kayo sa kanya?” tanong ko gamit ang mababa at malamig na tono ng boses. Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. “O wala lang sa inyo na dinukot ang sarili ninyong anak?”Marahan siyang napaupo sa upuan sa tapat ko.“Anak ko siya, Aviv. Normal lang na mag-alala ako.”Nanatili siyang kalmado at malamig ang mga mata, kaya hindi ko maramdaman ang tunay na pag-aalala sa boses niya.“Hindi ko maramdaman na nag-aalala kayo para sa kanya,” malamig kong pambara sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. “Sa palagay ko nga ay natuwa pa kayo nang madukot siya—”“Hindi! Hindi ako kailanman matutuwa na mapahamak ang anak ko!” masidhi niya
Jane POV“Baby, magbabanyo lang ako saglit,” paalam ko kay Aviv.“Sige. Hihintayin kita rito. Huwag kang magtatagal.”“Yup,” nakangiti kong sagot bago mabilis na naglakad patungo sa malapit na banyo.Mabilis lang akong gumamit ng banyo at nag-ayos ng sarili sa harap ng salamin. Pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon at bahagyang napangiti.Nag-retouch ako nang kaunti bago inayos ang bag ko. Nang maayos na ang lahat, lumabas na ako para sana balikan ang asawa ko. Pero hindi pa man din ako tuluyang nakakahakbang sa tahimik na hallway, biglang may dalawang matangkad na lalaki na sumulpot mula sa gilid.Napaatras ako, pero mabilis nila akong na-corner at tinakpan ang bibig ko.“Tulong! Mmh—!”Sinubok kong sumigaw at pumalag, pero napakalakas nila. Itinakip ng ikalawang lalaki ang isang panyong may matapang na kemikal sa bibig at ilong ko.Nagpumiglas pa ako sa abot ng makakaya ko, itinutulak sila palayo at sinusubukang gumawa ng ingay para marinig ako ni Aviv o kung sino man ang nasa p
Jane POVMaaga kaming gumising ni Aviv para ihanda ang mga papeles na kakailanganin ni Mama. Kahit malamig at tipid pa rin ang bawat kilos at salita ng aking ina, hindi na siya pumalag nang alalayan siya ni Aviv papasok sa luxury SUV.Pagkarating namin sa pinakamalaking pribadong ospital sa lalawigan, diretso kami sa VIP wing. Hindi na kami naghintay sa pila o naupo sa waiting area dahil nauna nang tumawag si Aviv para ipaalam ang pagdating namin. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, sinalubong na agad kami ng medical director at isang personal nurse na siyang umalalay kay Mama papunta sa private lounge.Habang nakaupo si Mama sa malambot na leather couch at inaalok ng inumin ng mga staff, ako naman ang nilapitan ng billing at registration officer para asikasuhin ang mga kailangang papeles. Si Aviv naman ay nanatiling nasa tabi ni Mama, tahimik na umaalalay sa kanya.Habang pumipirma ako sa mga admission at test forms, napasulyap ako sa kanila. Tahimik lang na nakatingin si Mama kay Avi
Jane POV“Hindi ako uuwi,” pakikipagmatigasan ko at humakbang para kaharapin si Mama Rose. “Uuwi lang ako kapag nasigurado kong magpapagamot ka.”Isang katahimikan ang sandaling namagitan sa amin.“O sige. Magpapagamot na ako. Para umalis ka na,” malamig niyang sagot.Sandali siyang tumahimik bago muling nagsalita. “Tutal, iyon lang naman ang silbi ng pagpunta mo rito, hindi ba? Para masabi mong ginawa mo ang dapat mong gawin bilang anak at makaalis ka nang wala nang iniisip na konsensiya.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko.“Hindi mo kailangang manatili rito ng matagal, Jane. Hindi kita kailangan.”Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata.“At huwag mong asahang dahil lamang nagkasakit ako, bigla kong gugustuhing magkaroon tayo ng relasyon na hindi naman kinakailangan.”Malamig ang boses niya. Walang galit. Walang panginginig. Para bang napakadali para sa kanyang sabihin ang mga bagay na unti-unting dumudurog sa akin.“Magpapagamot ako. Iyon ang gusto mo, hindi ba? Kaya pagkatapos n
Jane POV“Baby?” mahinang tawag sa akin ni Aviv.“Hmm?” nakapikit ko namang sagot.“Sobrang init,” aniya, na siyang ikinamulat ng aking mga mata. “Kailan ba babalik yung kuryente rito? Simula kaninang umaga hanggang sumapit na lang ang gabi, wala pa rin. Kahapon naman, patay-sindi ang ilaw. Ganito ba talaga rito?”Kahit ako, naiinis na rin sa patay-sinding ilaw. Nayayamot ako dahil kung kailan sobrang init ng panahon, saka pa panay ang brownout. Pareho na kaming pinagpapawisan ni Aviv kahit nasa balkonahe na kami ng kubo.“Gumamit ka na lang ng pamaypay,” sabay bigay ko sa kanya ng abaniko. “Lakasan mo. Paypayan mo rin ako.”“Nangangalay na ang kamay ko kakapaypay. Sana pala bumili na lang tayo ng generator. Parang Christmas light ang ilaw dito sa probinsya, patay-sindi.”“Shhh. Gabi na. Magpaypay ka na lang riyan at subukan nating matulog,” saway ko.Mahina siyang napatawa bago inabala ang kamay sa pagpapaypay gamit ang abaniko ni Lola Alicia. Ramdam ko ang manipis na hangin na dumad
Madison POV “Maddie?” Pareho kaming natigilan ni Kian dahil sa isang pamilyar na boses mula sa labas ng dressing tent. Si Randy, isa sa mga hairstylist ng shoot. Nanginig ang buong katawan ko habang nananatili pa ring nakabaon ang matigas at nagwawalang kárgada ni Kian sa loob ng naninikip kong kaibuturan. “Are you okay there?! Papasok ako, kukunin ko lang mga gamit ko, gurl!” “N-No, wait! I am... I am naked! Nagpapalit ako ng damit!” puno ng takot at kaba kong alibi habang pilit na itinutulak ang dibdib ni Kian upang hindi ito gumalaw. ”Pwede bang mamaya mo na lang kunin, Ran?” “Oh, I see. Sige, mamaya na lang ako papasok,” sagot nito bago narinig ang papalayong yabag ng mga paa nito. Bumagsak ang balikat ko at nakahinga ako nang maluwag. Nabawasan ang matinding kaba sa dibdib ko nang tuluyan na siyang umalis. Pero hindi pa man ako nakakabawi ng katinuan, bigla na lamang akong hinila ni Kian at agad siyang umupo sa katapat na silya. “Ride me, baby,” utos niya sa isang madilim
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may
“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya







