Jane POV Halos hindi ko na siya makilala. Ibang-iba na siya sa dating Scarlet na laging maayos, maarte, at punong-puno ng poise. Ngayon, payat na payat na siya, haggard, gusgusin, at marumi ang suot na damit na halatang ilang taon nang hindi naalagaan. Para siyang taong matagal nang tumakas sa isang mental facility. “Aviv! Kian! Jane! Madison!” sigaw ni Scarlet sa camera habang nanlilisik ang mga mata. “Tumingala kayo sa top deck!” Mabilis kaming tumakbo papunta sa open deck at sabay-sabay na tumingala. Naroon nga si Scarlet sa gilid ng railing, hawak ang dalawang bata. Isang maling galaw lang at puwede niyang ihulog sina Azi at Kiana sa malalim na karagatan o saktan gamit ang kutsilyong hawak niya. “Scarlet, pakiusap! Huwag mong idamay ang mga bata!” pagsusumamo ni Madison habang umiiyak at mahigpit na nakakapit kay Kian. “Inosente sila! Kung galit ka sa amin, kami ang harapin mo!” “Shut up, Madison!” hysterical na sigaw ni Scarlet, sabay tawa nang malakas at matinis, isang
Read more