LOGINAviv POVMabilis at mabigat ang pagtaas-baba ng dibdib ko habang nakakandong siya sa akin. Ang dalawa niyang kamay ay mahigpit nang nakapulupot sa leeg ko, at sa halip na lumayo, mas lalo pa niyang idinidikit ang katawan niya sa akin, na para bang sinusubukan niya kung hanggang saan ang kaya kong pagpipigil.“Get up, Jane,” pilit kong pinanatiling malamig ang boses ko kahit ang totoo, hirap na hirap na akong pigilan ang aking sarili. “I'm warning you. I'm not in the mood for your games.”Isang mahinang tawa lang ang isinagot niya, bagay na lalo pang nagpakaba sa dibdib ko. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mukha hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa mismong gilid ng aking tainga.“Talaga lang, ha?” pabulong niyang wika, halos dumadampi na ang mga labi niya sa balat ng leeg ko. “Not in the mood? Pero bakit parang hindi ka na makahinga?”Gusto kong mapamura dahil totoo naman ang sinasabi niya.Hindi pa siya n
Aviv POV “Ang tigas talaga ng ulo mo, 'no?” komento ko nang basta na lang siyang naupo sa upuan na nasa harapan ng mesa ko. Napangiti siya, isang matamis na ngiting halatang sinasadya akong asarin bago niya binuklat ang librong napili niya. “Oo, matigas talaga ang ulo ko. Kasing tigas ng burát mo kapag galit na galit,” sagot niya nang walang preno, dahilan para bahagyang mapaawang ang bibig ko. “Aba'y...” Napailing ako, nanggigigil sa kaniya. Hindi dahil sa inis, kundi dahil sa sobrang kapilyahan niya. Napahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko sa ilalim ng mesa. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko. Ayaw kong mahalata niyang patay na patay ako sa kaniya. “Aba'y ano, Mr. Averoné?” pang-aasar niyang tanong. Muli kong isinuot ang malamig kong ekspresyon bago ibinaba ang hawak kong papeles. “Doon ka maupo,” turo ko sa sofa na bahagyang nakalayo sa mesa. “I can't concentrate on reviewing these contracts.” Hindi naman siya nakinig. Napairap lang siya sa akin bago muling ibinal
Jane POV “Diyan ko nilagay sa executive cabinet sa ilalim ng desk ko. Pakitingnan mo na lang,” sagot ko sa phone habang abala sa pagtitimpla ng kape sa pantry ng mansiyon. Si Nicole talaga ang inutusan ni Aviv na magtimpla ng kape niya, pero inako ko na ang trabahong iyon. Nagbabakasakali kasi akong kahit paano ay mabawasan ang sama ng loob niya sa akin kapag ako mismo ang nagdala nito. Simula kanina, matapos ang mainit at nakakalokang sagupaan namin sa Dining Hall, hindi na niya ako muling kinausap. “Kaya nga hinanap ko na rito pero wala talaga, Jane. Baka nailagay mo sa locked filing cabinet ng audit team?” sagot naman ni Rochelle mula sa kabilang linya. Halata sa boses niya na kanina pa siya naghahabol ng oras sa paghahanap ng emergency financial report para sa mga suppliers. “Pupunta na lang ako riyan para ako na mismo ang maghanap,” kalmado kong alok sa kaniya. “Huwag na. Malapit na rin ang out ko at gabi na. Alalahanin mo na lang muna kung saan mo nailagay para ikaw na lang
Scarlet POV “Hindi maaari!” hiyaw ko, dahilan para mabigla ang babaeng kaharap ko. Ngunit ilang sandali lang ay mabilis ding kumalma ang ekspresyon niya. “Bakit parang masyado kang apektado, Scarlet?” mapanuring usisa niya. Doon ako natauhan. Mabilis akong nagpakawala ng isang pekeng ngiti habang pilit na inaayos ang sarili ko. “Well... Aviv deserves someone far better than Jane,” mahinahon kong sagot. Mahina siyang natawa. “It seems like... you really like Aviv,” mapang-usisa niyang saad. “N-No. Bakit ko naman siya magugustuhan?” mabilis kong tanggi, kahit alam kong halata namang may katotohanan ang hinala niya. Dahan-dahan siyang napahalukipkip at direkta akong tinitigan sa mga mata. “Huwag ka nang magkaila, Scarlet. Babae rin ako. Alam ko ang tingin ng isang babaeng may pagmamahal at pagnanasa sa isang lalaki,” pormal ngunit malamig niyang wika. “So... naiinggit ka kay Jane?” Muli kaming nagkatitigan. Unti-unting naglaho ang pekeng ngiti sa mga labi ko at napalitan iyon n
Scarlet POV Tahimik akong naglalakad pabalik sa pasilyo patungong Dining Hall. May bahagyang ngiti sa mga labi ko habang inaalala ang malamig na atmospera sa mesa kanina. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat ngayong muling nagpakita si Madison. Inaasahan kong makakakita ako ng lamat sa pagitan nina Aviv at Jane, isang matinding away, o kaya naman ay tuluyan nang maaalala ni Aviv ang tunay niyang nararamdaman at makita niyang walang saysay ang kasal nila ni Jane. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa malaking pintuan ng Dining Hall, napahinto ang mga paa ko nang makarinig ako ng mahihinang ingay mula sa loob. Mabilis kong idinikit ang sarili ko sa gilid ng malaking haligi nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Jane. “Hoy! Akin 'yan, eh!” May panggigil at inis sa boses niya. Kumunot ang noo ko. Sino ang kausap niya? Si Kian ba? Dahan-dahan kong isinilip ang ulo ko mula sa likod ng haligi, sapat lang para makita ang loob ng bulwagan nang hindi nila ako napapansin. Per
Jane POVNapapaatras ako sa bawat hakbang ni Aviv palapit sa akin. Nananatiling napakadilim ng kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin, isang titig na para bang lalamunin niya ako nang buhay anumang oras.Bago pa man tuluyang makalayo ang mga paa ko, mabilis na kumilos ang kaniyang braso. Hinapit niya ang aking baywang at malakas akong hinila palapit sa kaniya.Napasinghap ako nang diretso akong sumalpok sa matigas at malapad niyang dibdib.“Where do you think you're going, wifey?” panimula niya sa isang mababa at baritonong boses na halos magpagapang ng kuryente sa buo kong katawan.Napatitig na lamang ako sa kaniya habang unti-unting nanunuyo ang aking lalamunan. Sobrang nakatatakot at nakalulula ang aura niya ngayon, pero sa kabila ng kaba ko, hindi ko pa rin maiwasang maisip kung gaano siya kaguwapo at ka-hot tingnan sa ganitong kaseryosong mood.Pilit kong itinulak ang kaniyang dibdib gamit ang aking mga palad. Masyado siyang nakadikit sa akin. Pakiramdam ko ay biglang umiinit
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk







