Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewSa nagdaang araw na kasama ko si Vaughn, alam na alam ko na kaagad kung paano siya pakakalmahin. Simpleng halik lang naman kung minsan ang kailangan, pero ngayon na tila umusok ang ilong niya sa sobrang inis, paniguradong galit na rin ang nasa ibaba ngayon.Bumaba naman ang aking kamay papunta sa kaniyang tiyan. Mariin pa rin ang titig niya sa akin, ngunit hindi nabura ang ngisi sa aking labi.“I’m serious, angel.”“Hindi ko naman sinabing nagbibiro ka,” natatawa kong wika, pero mas lalo lamang niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.Kinagat ko ang aking ibabang labi, at napasulyap saglit sa kaniyang panga. Umiigting pa rin ‘to, at parang hanggang ngayon ay hindi ko siya mapakakalma kung sakali man.“Ang itinanong ko lang naman ay kung gusto mo bang pakalmahin kita,” paliwanag ko sa kaniya.Nang ibalik ko ang aking atensyon sa kaniya, nawala ang ngisi sa aking labi. Alam ko naman na boss ko siya, at office hours namin ngayon. Pero kung ito la
Baca selengkapnya