Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewHindi na ako umangal pa sa sinabi ni Vaughn. Kung ‘yon man ang desisyon niya, sino ako para pigilan siya, hindi ba? After all, boss ko naman ‘to. Mahirap pa man ding ubusin ang pasensya niya.Habang nagpiprito ako, nagtitimpla na rin ako ng sauce. Medyo marami na nga akong nagamit na mantika, pero hindi naman nagreklamo si Vaughn. Ang rason niya ay minsan lang naman.“Dapat pala gumawa na rin tayo ng empanada,” saad ko nang makarating si Vaughn dito sa kusina.Nagpaalam kasi siyang maliligo muna siya, habang nagpiprito ako. Nagawa ko nga ring magluto ng burger para sa amin. Dinamihan ko, dahil alam kong gusto rin naman ni Vaughn.“Empanada? May ingredients naman diyan,” aniya, at nakakunot ang noo.Hindi na naman siya nagsuot ng damit. Tanging sweatpants lang, at medyo mababa pa. Nakikita ko tuloy ang pamilyar na brand ng suot niyang boxer.Para siyang endorser ng boxer sa hitsura niya ngayon, eh. Kahit hindi na siya mag-pose, guwapo pa rin.“Mata
Baca selengkapnya