Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewSaka lang ako ibinaba ni Vaughn nang makapasok na kami sa isang fast food restaurant.Sakto ring may mga bakanteng table. Kaya nang tumayo siya nang maayos, sinamaan ko siya nang tingin, dahil marami pa lang nagtatakang mga mata na nakatitig sa aming gawi.“Bakit kailangan mo akong buhatin?” singhal ko sa kaniya, pero natawa lamang siya nang pagak sa aking naging reaksyon.Basta na lamang siyang tumalikod, pero nang magtangka akong tumayo, lumingon muli siya sa akin.“Diyan ka lang,” mariing wika nito, at tinaliman pa ang kaniyang titig sa akin.Doon nalaglag nang tuluyan ang aking panga, dahil hindi ko inaasahan na magagalit siya.Balak ko lang naman sanang magpunta sa comfort room, pero bakit parang kasalanan pa ang tumayo, at umihi?Umigting ang aking panga, at napailing na lamang. Kagaya ng sinabi niya, nanatili ako sa table namin, hanggang sa bumalik siya.Masama pa nga ang timpla ng mukha niya, at hindi ko alam kung bakit.“Saan mo ba guston
Leer más