Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewNanlaki ang aking mga mata nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong inabot ‘yon, at sinagot ang tawag. Nang itapat ko ‘yon sa aking tainga, narinig ko kaagad ang boses ni Mama.“Anak! Kumusta ka na?” maligayang bati ni Mama sa kabilang linya.Bahagya naman akong napapikit nang mariin, at isinandal ang aking likod sa backrest ng swivel chair ko. Mahigpit akong napahawak nang mahigpit sa armrest.Humugot ako nang malalim na hininga, ngunit bahagyang nanginig ng aking labi, dahilan kung bakit napamulat kaagad ako.“Ma,” mahinang boses kong wika, at napangiti na lamang.Dumako ang aking mga mata sa window glass ng office ni Vaughn, at tiningnan ang naglalakihang gusali mula rito sa kinaroroonan ko.Mula sa puro pine trees, puro gusali na ang nakikita ko. Aaminin ko pa rin na hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako rito sa Manila. Ibang-iba sa kinalakihan ko, ngunit maganda naman ang opportunity rito.Malaki ang sahod. Nakakakain ako nang maayos,
Read more