Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewMatapos kong kumain, kinuha ko ang mga pinagkainan ko, at lumabas ng kuwarto ni Vaughn. Hindi ko nga lang inaasahan na nasa labas pala ang butler nila.“Ma’am, ako na po magdadala niyan.”Napakurap ako, at tiningnan ang dala ko. Kaunti lang naman ‘to, pero kung hindi talaga nila hinahayaan ang mga bisita na kagaya ko, wala akong choice.Tahimik kong ibinigay sa kaniya ‘yon, at ngumiti nang tipid.“Thank you.”Yumuko naman siya nang kaunti, at sinabing, “Thank you rin po.”Nang akmang aalis na siya, saka naman ako tumikhim para kunin ang atensyon niya.“Matagal pa ba si Vaughn?” usisa ko, kahit na halata namang matagal talaga ang mga ganitong klase ng meeting.“Hindi ko po sigurado, ma’am.”Tumango na lamang ako bilang sagot, ay ngumiti nang tipid.Bumalik kaagad ako sa kuwarto ni Vaughn, at napahugot ako nang malalim na hininga.“Hindi naman ako puwedeng matulog,” bulong ko, dahil katatapos ko lang kumain. “Kung manonood, ano naman papanoorin ko?”
더 보기