LOGINTroy’s POV“V-Ven,” lahat yata ng santo na p’wede kong tawagin ay natawag ko na, halos manginig ang buo kong katawan sa kaba at panlalamig dahil hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na ihanda ang sarili ko para harapin siya.Mahigpit kong hinawakan ang bugkos ng bulaklak na bitbit ko, habang paulit-ulit na napapalunok na nakatingin sa kaniya ng diretso.Dahan-dahan namang pumapasok ang dalawang bubwit na sinabihan namin na bantayan si Ven at pigilan kung sakaling magpaalam itong umalis, mukhang nakalimutan nila ang usapan. Ngumiti sila sa akin pareho ngunit ng lumingon si Ven sa kanila ay mabilis silang nagmaangmaangan at naglakad ng mabilis papunta sa tabi ni Hana.Napahinga na lang ako ng malalim, wala na rin namang magagawa lalo na at andito na siya. Hindi man tapos ang venue, itutuloy ko ang plano.“Ven, para sa’yo,” mahinang saad ko at inilahad ang bouquet ng bulaklak sa harapan niya, nanginginig pa ang kamay ko sa sobrang kaba lalo na at tinignan lang niya ‘yon at wala pa
Venice’s POVHindi maipinta ang mukha ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng restaurant, gustuhin ko man na pilitin ang sarili kong ngumiti ay nagmumukha lang akong tanga na ngumungiwi kaya tinigilan ko na. Mas mainam kung tumahimik nalang ako kaysa may magawa o masabi pa akong hindi maganda, ayaw kong masira ang gustong dinner celebration nila Hana lalo na at para kay Vyron ‘to.“Ayos ka lang ba, Venice?” Nag-aalalang tanong ni Hana sa akin, mukhang kahit siya ay napansin na ang pananahimik ko.Agad naman akong lumingon sa kaniya at mabilis na tumango.“Medyo napagod lang siguro ako, hindi rin kasi talaga ako mahilig maglaro simula noon pa. Ngayon lang ulit ako nakagalaw-galaw ng ganoon, kaya siguro nabigla rin ang katawan ko,” paliwanag ko at tumingin kila Yohan at Vyron sa gilid na masayang namimili ng kakainin.Siguro ay ako lang ‘tong masyadong ginagawang big deal ang plano namin, kung masaya si Vyron ay siguro kailangan ko ng hayaan na hindi natuloy ang plano namin.“Aww,
Venice’s POV“Takbo, mommy! Takbo, bilisan ninyo ni daddy!” Sigaw ni Vyron habang tumatalon sa gilid, halos mapunit ang labi sa sobrang lawak ng ngiti niya sa labi.Hawak ang kamay ni Troy, mas binilisan ko pa ang takbo para hind imaging pabigat kay Troy at paniguradong maipanalo namin ang laban. Ito ang unang beses na sumali si Vyron sa ganito at pareho naming gusto ni Troy na maging memorable sa kaniya ang lahat, lalong-lalo na ang araw na ‘to.“First place, Vyron’s family!” Sambit ng emcee pagkalagpas namin sa ribbon na puti sa unahan.“Yay! Panalo ulit sila tita at tito!” Rinig kong sigaw ni Yohan kaya napalingon na lang ako sa gawi nila at tumatalon na silang magkayakap na dalawwa, ramdam ko naman ang kamay ni Troy sa bewang ko kaya agad akong napabalik ng tingin sa kaniya.“We did it,” bulong niya sa akin.Ramdam ko agad ang paginit ng pisngi at tenga ko dahil sa ginawa niya, nasa public area kami at family day pa. Ano nalang ang sasabihin ng ibang teacher at parents sa amin?“Y
Vyron’s POVHindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nitong mga nagdaang araw, simula ng mahospital ako ay hindi nawawala sila mommy at daddy sa tabi ko. Minsan ay gusto kong hilingin na sana ay tumagal pa ako rito sa hospital para makasama ko sila laging dalawa, pero tuwing naaalala ko si mama na malulungkot at mabilis na nagbabago ang isip ko.“Nagugutom ka ba, anak?” Malambing na tanong sa akin ni daddy.Agad na nag-init ang pisngi ko ngunit mabilis din na ngumiti sa kaniya, sobrang saya ko na may daddy na ako!“Gusto ko po ng friend chicken!” Sambit ko ngunit agad din na napanguso ng maalala na bawal pa ako. “Pero okay na rin po ako sa lugaw, masarap naman po ang luto si lola,” sambit ko ay lumingon kay Yohan na naupo sa tabi ko.Kagagaling lang niya sa school, ng magtama ang mga mata namin ay pareho naming hindi mapigilan ang mapahagikgik sa hindi malamang dahilan.“Alam mo ba, miss na miss ka na raw ng mga classmates natin sa school. Gustong-gusto nila ulit na dumalaw sa
Venice’s POV“Give me a chance to prove myself; this time I won’t give you any reason to doubt my feelings…” Yumuko siya at halos nanlalambot na ang kamay na nakahawak sa akin.“Troy,” tawag ko sa kaniya kaya agad siyang napataas ng ulo para tignan ako.“Hindi mo kailangan na bigyan ako ng sagot ngayon, kaya kong maghintay kung kailan handa ka na. Kung sa tingin mo talagang deserve ko na mabigyan ng pagkakataon at…At wala ka pang iba, kaya kong maghintay kahit buong buhay ko pa… Pero kung sakali na mayroon ay rerespetuhin ko ang relasyon ninyo.”May nginig ang boses niya, alam kong sinasabi lang niya ang mga salitang ‘yon para pagaanin ang loob ko kung sakaling mayroon ng ibang lalaki na sa buhay ko. Aminin ko man o hindi ay alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya, gusto ko siyang tawanan ngunit hindi ko magawa dahil hindi ‘to ang oras at lugar para asarin siya.Talaga bang inaakala niyang lalaki ko si Geo?Kung alam lang niya ang totoo ay baka siya pa ang kusang tumawa sa sari
Venice’s POV“Magiging maayos ang operasyon, magtiwala lang tayo sa kanila at kay Vyron,” sambit ni mama Grace sa gilid ko at mahigpit na hiwakan ang kamay ko, kahit ang sa kaniya ay nanlalamig din at nanginginig simula pa kanina.Ilang oras na ang lumipas simula ng pumasok sila Troy sa operating room at simula noon ay wala kahit isa sa mga nurse ang lumabas doon, kaya hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa loob. Kahit si Troy na sinabi niyang lalabas siya pag hindi niya nakayanan ay hindi pa rin lumalabas ngayon, hindi ko alam kung dapat ko ba na ikagaan ng loob ‘yon o hindi.“Mama, ilang oras na pero hindi pa rin tapos. Kinakabahan ako, paano kung—”“Ven, anak… h’wag kang masyadong mag-isip ng kung ano-ano, magiging maayos ang lahat. Makikita ulit natin ang matamis na ngiti ni Vyron, magtiwala lang tayo,” marahan niyang saad at hinaplos ang likuran ko ng paulit-ulit.Napakagat ako ng ibabang labi at walang nagawa kundi ang tumango, kahit na ilang ulit na nilang sinabi na h’wag
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas







