Troy’s POV“I can do it, Ven…” Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat ngunit umiling-iling lang si Ven sa akin, kahit alam niyang doctor ako at may kakayahan akong operahan ang anak namin. “Ven naman, wala ka bang tiwala sa akin?” Tinignan ko siya sa mata ngunit umiwas siya ng tingin sa akin.“Hindi kita hahayaan na operahan si Vyron, Troy.” Huminga siya ng malalim at naupo nalang sa mga nakahalerang bangko sa gilid ng hallway, sinapo niya ang magkabilang parte ng ulo at yumuko. “Kakaalam mo lang na anak mo siya, alam kong gustong-gusto mo siyang operahan pero ayaw kong maramdaman mo ang pressure bilang daddy niya sa loob ng operating room, Troy.”Tiningala niya ako, may kung anong emosyon sa mga mata niya habang nakatingin sa akin ng diretso.“Hayaan mo na ang ibang doctor na mag opera kay Vyron, maniwala ka sa kakayahan ng mga katrabaho mo. Hindi kita hahayaan na makaramdam ng panic o ano man na pakiramdam, walang pumipilit sa’yo na gawin ‘yon.” Hinawakan niya ang nanginginig kong m
Read more