Troy’s POV“I want to join the operation,” walang pagpapatumpik-tumpik na saad ko pagpasok ko palang ng office ni Doctor Reyes, agad na napaangat ang ulo niya at nanlalaki ang matang tinignan ako.“Troy, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anong gusto mong sumali sa operasyon, hindi ba at nakapagusap na kayo ng asawa mo tungkol dito? Ayaw niyang sumama ka sa loob ng operating room, hindi niya magugustuhan ang plano mo na ‘yan,” sambit niya at pinatong ang magkabilang palad sa ibabaw ng lamesa.Umiling naman ako seryosong tumingin sa kaniya.“Gusto kong may kasama ang anak namin sa loob ng operating room na ‘yon, hindi ko siya nakasama ng ipanganak siya ni Venice, hindi ko siya nakasama sa unang lakad niya, unang beses na nakapagsalita siya, unang araw ng school, pagkatapos ng maraming taon ‘to lang ang pagkakataon ko na samahan siya at hindi hayaan na mag-isa. Sa tingin mo ba ay papalagpasin ko ang pagkakataon na ‘to?”“Troy, alam mong hindi p’wede na—”“Let me be your assistant doctor,”
Read more