Hana’s POV“Wala,” simpleng sagot ko.Ilang beses ko ng sinabi ‘yon kay Therese ngunit tuwing makikita niya si Larry ay pinipilit niyang may gusto ‘to sa akin, pero alam kong mabait lang si Larry sa akin.“Fine, wala.” Pagsuko niya at huminga ng malalim, lumakad siya palapit sa akin at hinila ako paupo sa sofa. “Pero sabihin mo sa akin, ano ba ang nangyari? Anong ibig mong sabihin sa message mo kanina habang papauwi ka?”Muling bumalik sa ala-ala ko ang mukha ni Yael habang pababa sa hagdan, ang malalim niyang titig na halos ayaw bumitaw sa akin, at ang emosyong naroon.“Nagkita ulit kami, pagkatapos ng limang taon ay nagkita ulit kami,” saad ko at napapikit ng mariin at napasandal sa sofa, kulang na lang ay sabunutan ko ang sarili ko.“A-Ano, nagkita kayo ni Yael? Anong sabi niya, anong reaksyon mo?” Sunod-sunod niyang tanong na animo’y hindi makapaniwala, nanlalaki ang mata niyang napaupo sa tabi ko at hinawakan ang magkabila kong balikat para paharapin sa kaniya. “Nagkausap ba kayo
Read more