Nang hapon ding iyon, nakita ni Damien si Clara sa tabi ng dagat kung saan madalas silang magkausap nang payapa. Lumapit siya rito, bitbit pa rin ang bigat na hindi maalis sa kanyang dibdib, at naisipang ibahagi ito sa kanya sa taong tila nakikinig nang walang paghuhusga at walang itinatago.Umupo siya sa tabi niya, huminga nang malalim bago nagsimula. “Clara… may sasabihin sana ako sa iyo. ''Tumingin sa kanya si Clara, nakita ang lungkot at pagkalito sa kanyang mukha. “Ano iyon? Sabihin mo lang, nandito lang ako para makinig sa iyo.”Dahan-dahan niyang isinalaysay ang lahat mula sa pagtulog nang tahimik hanggang sa biglang pagbago ng paligid, ang ugong at panginginig ng eroplano, ang apoy sa labas ng bintana, ang kaguluhan at takot sa loob, hanggang sa paglapit ng matandang lalaking humawak sa kanya nang may pagmamahal at pagmamakaawa. Ibinahagi niya ang bawat salitang binitiwan nito—ang pagtawag sa kanya bilang “Damien,” ang paghiling na maging matapang siya, ang pagbanggit sa p
Read more