Hindi ako sumagot. Tumahimik lamang ako at pumikit, nagkunwaring pagod, nagkunwaring gustong matulog, at hindi niya ako pinilit. Nasa buhok ko pa rin ang kanyang kamay, marahan, malambot, parang hinahaplos ang isang pusang natutulog. Pagkatapos ay tumayo siya, pinatay ang ilaw, at narinig ko ang kanyang mga yabag na papalayo. Naguguluhan pa rin ako sa sitwasyong ito at sa mga bangkay na iyon, tila may itinatago siya.Kinabukasan, mas maaga akong nagising. Natutulog pa si Alexandro sa tabi ko, tahimik ang kanyang mukha, dahan-dahang umaangat at bumababa ang kanyang dibdib. Hindi ko siya ginising. Dahan-dahan akong bumaba, kinuha ang aking selpon mula sa mesa sa tabi ng kama, pagkatapos ay umupo sa upuan malapit sa bintana.Lumiwanag ang selpon. Notipikasyon ng balita. Larawan ni Elena na may korona sa ulo, may sash sa balikat, ang kanyang perpektong malapad na ngiti."Elena Bianchi Nagwagi sa Prestihiyosong Patimpalak ng Kagandahan, Handa Nang Pumasok sa Industriya ng Pelikula."Binasa
Magbasa pa