“Eight? Ang dami naman.” Mahina niyang sabi, hindi makapaniwala. Aeros chuckled sexily. Ang mahina nitong tawa ay nag-eecho sa maliit na espasyo ng shower room. Parang binubuhay muli ang mga insekto sa loob ng kaniyang tiyan. Napatingala siya at pinanood itong matuwa sa kaniya Noon, kung may magsasabi sa kaniya na tumatawa rin pala si Aeros sa mga pribadong tagpo, hindi siya maniniwala. Mahihirapan siyang paniwalaan iyon. Dahil parang malamig na bato ang mukha ng lalaki, ni minsan walang bakas ng ngiti ang dumalaw sa mga labi nito. Ngunit ngayon, naririnig niya, nakikita niya, at namamangha siya sa paraan ng pagtawa nito. “Hmm… ilan lang ba ang gusto mo?” Nanunukso nitong tanong. Sinubukan niyang ikunot ang noo, ngunit hindi niya magawa. Maliban kasi sa nakikiliti siya sa mga insektong gumagapang na ngayon sa loob ng kaniyang tiyan, ay napapangiti rin siya dahil sa nanunuksong tingin ni Aeros sa kaniya. “Ako?” Tumango ito at hinaplos ang kaniyang baywang. Hindi siya nak
Ler mais