Bumalik ng casa si Aeros. Samantalang naiwan siyang mag-isa sa casita, maliligo pa dapat siya, ngunit nanatili siya sa may sala at napapatulala sa kawalan. Napagtanto niya, tila mas lalong nagiging magandang-lalaki si Aeros sa kaniyang paningin. Ang pigura, tindig, at buong hitsura nito’y parang iniuukit sa kaniyang isip upang habang-buhay niyang maalala. Ipinilig niya ang kaniyang ulo pagkaraan. Wala naman sigurong masama kung aaminin niya sa sarili na nagwagwapuhan siya kay Aeros, hindi ba? Totoo naman iyon. Unang kita niya pa lang sa mga larawan nito noon sa social media ay nagwapuhan na siya. At nang makita ito sa unang pagkakataon, halos malaglag pa ang kaniyang panga nang makitang mas guwapo pa ito sa personal. But this attraction is harmless, right? Right? Tanong-tanong niya sa sarili. Nagwagwapuhan din naman siya sa ilang artista at hindi naman siya napahamak sa kaniyang paghanga sa kanilang mga mukha. Kaya bakit mayroong bumubulong ng babala sa likod ng kaniyang isip?
Ler mais