Pagkatapos nilang kumain ay inanyayahan siya ni Aeros na magtungo na sa casita para doon magpahinga. Busog na busog siya, sobrang sarap ng mga pagkain, lalo na noong alimango at letson! Sumama siya sa casita. At noong una’y nasa sala pa sila, nagpapahangin at tinatanaw ang mabeberdeng dahon sa malayo, ngunit hindi niya namamalayan na dahil sa sobrang presko ng hangin ay unti-unti na pala siyang hinehele nito. Nakatulog siya sa may sofa, katabi lamang niya si Aeros na napanood ang unti-unti niyang pagpikit. Walang malay siyang sumandal sa balikat ng lalaki at tuluyang nakatulog. Noong magising siya’y nasa kuwarto na siya, nakahiga sa kama, at yakap-yakap ni Aeros. Ramdam niya ang braso nito sa kaniyang batok, ginawa na naman niya iyong unan. Ang isang kamay nito ay nakayakap sa kaniyang bewang at ang isang paa nito’y nakapatong sa kaniyang paa. Nakatagilid siya ng kaunti, paharap sa mabango nitong dibdib. Nang tumingala siya para silipin si Aeros, nakita niya ang payapa niton
Read more