Of course, she’s never ugly. Hindi niya kailanman naranasan na maging pangit. Mula pagkabata ay marami nang nagsasabi na kamukha siya ng kaniyang ina— maganda. Marami rin ang nagsasabi na maamo ang kaniyang mukha, tila kagaya ng isang inosenteng anghel. Sa kaniyang paglaki, palagi niyang tinitingnan ang mukha ng kaniyang ina. At sa tuwing nakikita niya kung gaano ito kaganda, saka niya napagtatanto na maganda rin siya. Maayos sa katawan si Lorna, palagi nitong inaalagaan at pinapaganda ang sarili, samantalang siya'y sapat na noon ang makapaghilamos ng antibacterial soap. Pero ngayong tumatanda na siya, nagiging maalaga na rin siya sa kaniyang sarili— ibig lang nitong sabihin, nagiging kasingganda na niya ang kaniyang ina sa lahat ng aspeto. Ngunit kahit na palagi siyang nasasabihan na maganda ay isinasapuso niya talaga. Maraming pagkakataon na kahit na marami ang nagsasabi sa kaniya na maganda siya ay hindi niya pa rin pinapaniwalaan. Tingin niya, nadadaya lamang iyon ng kaniyang i
Leer más