Noong una’y hindi pa naniniwala si Lavender sa sinasabi niya. Pinipilit nito na kilala nito ang mga mamahaling brand kaya hindi siya makakapagsinungaling, ngunit nang sabihin niyang masyadong mahal ang Manolo Blahnik heels para sa kaniya ay saka lang naisip ng babae ang ibig niyang sabihin. May ipon siya, may pera, ngunit hindi sapat para waldasin sa mga designers shoes. Kalaunan, kahit na nagdududa pa rin, hinayaan na lamang ni Lavender na matapos ang usapan. Dumiretso sila sa isang shoes store sa ikalawang palapag ng mall. At kagaya ng pangako nito, inilibre nga siya ng isang pares ng sapatos. “Mahal ‘yan.” Saway niya noong ang mga mamahalin ang planong bilhin ng kaibigan. “If expensive means it'll last for a few years, it’ll be worth the price.” Umiling siya. “May mga mura lang din na nagtatagal naman.” Noong una’y nagtatalo pa sila dahil mahal para sa kaniya ang mga pinipiling sapatos ng kaibigan, at pinipilit naman nito na ayos lang. Inaanyayahan niya itong lumipat sa ka
Ler mais