Samantalang sa loob ng study ay kapwa tahimik si Aeros at Karl. Nakatayo ng matuwid ang huli, habang naghihintay na matapos ang amo sa pagbabasa ng summary ng meeting na pinadala niya sa email. “I need the hard copy of their proposal before I approve it.” Ani Aeros pagkaraan. Karl shifted on his feet. Nang makitang tapos na si Aeros sa pagbabasa ay napaayos ulit siya ng tayo. “It’ll be in your office tomorrow morning.” Tumango si Aeros. “Thank you.” “No problem, Sir.” Nanatiling nakatayo si Karl, hinihintay kung ano talaga ang sadya ng kaniyang amo. Alam niya sa sarili na hindi ang project proposal ng mga Gutierrez ang dahilan kung bakit siya pinatawag sa study nito. Kilala na niya si Aeros, sa tagal na niyang nagtratrabaho sa mga Elizondo, alam na niya kung ano ang ugali ng kaniyang amo. Hindi nito dinadala sa bahay ang trabaho, maliban lamang kung sobrang importante no'n. At sa siste ngayon, hindi naman importante masyado ang project proposal para sa study nila iyon
Read more