“Come, sit with us. Ipinapahanda ko na ang pagkain natin sa hapag, maya-maya lang ay matatapos na iyon.” Ani Señora at iginiya siyang maupo sa mahabang sofa. Tumayo bigla si Remera at Freya, umambang aalis sa kinauupuan ang dalawang babae. “We’ll move to the cushions.” Ani Freya nang mapansin na sinusundan niya ng tingin ang kababaihan. “While you, you join us.” Samantalang itinuro naman ni Rogan si Aeros. Nahihiya siyang maupo sa mahabang sofa, ngunit hinawakan ni Señora ang kaniyang braso para tuluyan siyang maupo sa tabi nito. Napatingin siya kay Aeros, nanghihingi ng tulong ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Sa isip-isip niya, mukhang maiiwan siya sa mesa ng mga kababaihan dahil isasama nila Rogan si Aeros sa kabilang living room.Nga lang, nanatili pa rin ang lalaki sa kinatatayuan nito dahilan para lapitan ito ni Rogan. “Oh come on, Aeros. She needs to stay here with Lola. Huwag mong sabihin na kahit sa kanila ay ipagdadamot mo siya?” Dahil sa sinabi nito, matalim na ting
Read more