“What?” Aeros sounds confused at that. Hindi na siya magtataka kung bakit biglang naguluhan si Aeros. Magtataka nga naman ito na bigla niyang isisingit ang tungkol sa trabaho gayong iba naman ang pinag-uusapan nila kanina. Umayos siya ng upo upang gawing komportable ang sarili, ngunit hindi niya magawang i-relax ang katawan. “Kailangan kong magtrabaho para may pagkaabalahan din ako.” Sinubukan niyang sulyapan ang lakaki, at nang makita na nangungunot ang noo nito ay agad siyang nag-iwas ng tingin.Focus, Rory. Ito lang ang pagkakataon na pwede mo siyang hikayatin na payagan kang magtrabaho sa ibang kompanya.“Gusto ni Lola na magbakasyon ka ulit para pareho tayong maging libre. Wala kang trabaho, wala rin akong trabaho, kaya marami ang oras natin sa paghahanda ng kasal. Pero isipin mo, kung pareho tayong abala at may ibang tinatrabaho, walang magpaplano para sa kasal.“Pakiramdam niya'y lumalakas ang tibok ng kaniyang puso at para na iyong lalabas sa kaniyang dibdib. ”Ayaw mo pang
Read more