Tiningnan niya ang sarili sa repleksyon ng salamin. Bagay naman ang neutral kulay nito sa kaniyang balat. Hindi rin ito ganoon ka-fit, sapat lamang upang madipena ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Iyon nga lang, kung papatungan niya ng blazer ang dress ay matatago rin ang natural na hubog ng kaniyang katawan. Hmm… kung gusto ko pa lang magmukhang seksi, pwedeng itong mini dress lang ang suotin ko. Kapag naman pormal o casual ang gusto kong i-portray, papatungan ko lang ng blazer. Isip-isip niya. Ngumuso siya pagkaraan. E, paano na ‘yan ngayon? Maganda nga, pero mukhang hindi naman kasya sa kaniya. Baka mas maliit ang size ng dress kumpara sa totoong size niya kaya hirap siyang isara ang zipper sa likod. Hindi niya pwedeng pilitin na ibaba iyong zipper, baka masira ang dress. Pero hindi naman pwedeng ganito na lang siya. Bigo siyang nagbuntong-hininga at napagpasyahang lumabas na muna para maghanap ng makatutulong sa kaniya na maibaba iyong zipper. Abot pa naman niya iyong
Read more