Kanina pagkagising niya, nakahanda na ang susuotin niya. Nakalagay sa gilid ng kama ang maraming paper bag. Mayroong mga damit, shoes, sandals, alahas at mga pabango. Nakalagay sa paper bag na may oxygen na logo itong plain t-shirt. Sa isang G*cci bag naman itong simpleng plated shirt. At iyong pabango na tinutukoy niya, galing din sa isang brand na ang presyo ay siguradong aabot sa libo-libo, ngunit dahil hindi niya nagustuhan ang amoy, hindi na niya ginamit. “Hindi… t’yaka parang matapang ang amoy.” Sayang kung hindi niya gagamitin iyong pabango, pero naisip niya na kung hindi niya gagamitin ay pwede nilang isauli? Ibenta? O ipang-regalo sa mga pinsan ni Aeros. Hindi niya kayang gamitin lalo na’t mahal iyon at parang hindi bagay ang amoy sa kaniya. Biglang bumaba ang mukha ni Aeros. Nanlaki ang kaniyang mga mata, akala niya'y hahalikan siya nito, ngunit nagkamali siya. Suminghot si Aeros malapit sa kaniyang leeg. “But you really smell nice. Did you use another set of pe
Read more