Dahil sa sinabi ng kaniyang ina, kinailangan na palitan ang kaniyang dessert ng plant-based milk kaysa sa dairy milk. Iyon nga lang, nang iserve sa kaniya ang panibagong dessert ay hindi niya rin nagawang kainin dahil ang toppings nito’y pistachios.May severe allergy siya sa mani at halos lahat ng klase ng nuts. Nahihirapan siyang huminga at agad na mumula ang kaniyang balat kapag nakakakain siya maski kaunti lang no’n.Ngunit mukhang hindi alam ng kaniyang ina ang bagay na ’yon, kaya nang ilapag sa kaniyang harap ang pistachio tiramisu ay hindi na ito nagreact kagaya kanina.See, the difference now, Rory. Mapait na bulong ng kaniyang isip.Alam ng kaniyang ina na lactose intolerant si Wenona, ngunit hindi nito alam na may allergies siya sa nuts. Kahit na siya ang anak, mas kilala pa rin nito si Wenona kumpara sa kaniya.Sa ilang taon na magkakasama sila sa iisang bubong, napapansin niya kung paano alagaan ng kaniyang Mommy ang mga anak ni Christian. Palagi itong maingat at mapili sa
Read more