Magulo ang itsura ni Zach. Namumula ang mga mata, gusot ang buhok, nakaluwag ang necktie, lukot ang polo, at wala na ang suot niyang coat.“Anong ginagawa mo rito?” matigas na tanong ni Brayden.“Pumunta ako para makita si Hannah,” mahina niyang sagot.“Sa tingin ko, ayaw ka niyang makita,” mariing tugon ni Brayden.“Bray, please. Hayaan mo muna akong makausap siya. Gusto ko lang ipaliwanag ang lahat. Pakiusap, nagmamakaawa ako.”“Hindi. Sa tingin ko, ayaw ka niyang makita. Naiintindihan mo ba? Umalis ka na,” pagtataboy ni Brayden sa kanya.“Come on, man. Gusto ko lang siyang makausap. Gusto ko lang humingi ng tawad,” pilit ni Zach habang nababasag ang kanyang boses.Matagal siyang tinitigan ni Brayden. Kitang-kita nito ang sakit sa mga mata ni Zach. Lumabas si Cresia at tumayo sa likod ni Brayden. The second she saw him her face hardened.“Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito,” matalim nitong sabi.“Gusto ko lang makita si Hannah.”“No. You’re not going to see her. Gabi na. Dapa
Read more