“Hi, Hannah. Hi, Zach. Ang tagal na nating hindi nagkita,” bati ni Elisse na may maliit na ngiti sa labi. Ngunit hindi ito sinagot ni Zach. Nanatili lamang itong nakatayo, umigting ang panga at malamig ang titig. Halatang pilit nitong pinipigilan ang mga emosyong muling bumalik sa tuwing nakikita si Elisse. Hannah, always the softer one, offered a polite smile “Hi, Elisse. Ang ganda mo. I love your outfit.” “Thank you,” sagot ni Elisse, bahagyang ngumiti. “Ang ganda mo rin. The pregnancy really suits you.” Saglit na bumaba ang tingin nito sa bilugan na tiyan ni Hannah. Napangiti si Hannah, kahit bahagyang naging alanganin ang kanyang pakiramdam. “Masaya akong makita ka, Elisse.” Pagkasabi niya niyon ay napatingin siya kay Zach. Kung titig lamang ang pag-uusapan, parang kaya nitong paandarin ang alarm ng buong ospital sa sobrang tindi ng galit. He looked like he was about to combust with rage. “Oh my…” mahinang bulong ni Elisse, halatang ramdam ang tensyon sa pagitan nila. Agad
Leer más