Nakasakay ako ngayon sa sasakyan papunta sa school. Third-year college na ako sa isa sa mga kilalang unibersidad sa Manila. Pagdating namin sa tapat ng gate, agad kong kinausap ang driver."Kuya, dito na lang po ako. Huwag mo na akong ihatid sa loob," sabi ko habang inaayos ang aking bag. Tumango siya. "Opo, Ma'am." "At saka, Kuya, huwag mo na rin akong sunduin mamaya, ha?" dagdag ko."Maliwanag po." Ngumiti ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Pagkapasok ko sa loob ng campus, hindi ko maiwasang mapangiti. First day of classes ngayon at mukhang magiging masaya na naman ang araw ko.Habang naglalakad, hinanap ko ang silid para sa una kong subject. Pagpasok ko sa classroom, agad kong nakita si Amarah na nakaupo na sa loob. Kumaway siya sa akin at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi n'ya.Nginitian ko siya bago lumapit at umupo sa katabing silya. "Ang aga mo naman," sabi ko. "Oo nga eh. Alam mo naman si Daddy, gusto laging maaga," sagot niya habang umiikot ang mga mata, Napatawa ako."A
最終更新日 : 2026-06-11 続きを読む