MasukMatapos kaming kumain, agad kaming bumalik ni Amarah sa kanyang kuwarto upang ipagpatuloy ang aming ginagawa.
Bago tuluyang makapasok sa loob, napalingon pa ako sa dining area. Hindi ko alam kung bakit, pero muli kong sinulyapan ang daddy ni Amarah. Nagulat ako nang makitang nakatingin din s'ya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Agad akong umiwas ng tingin at mabilis na naglakad papasok ng kuwarto. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero parang may kakaiba sa mga tingin niya ngayong gabi. Pilit ko iyong isinantabi at sinabihan ang sarili na baka nag-iisip lang ako ng kung anu-ano. Pagkapasok namin sa kuwarto, agad naming ipinagpatuloy ang paggawa ng presentation para sa reporting namin. Unang araw pa lang ng klase, reporting agad ang ibinigay sa amin. Habang abala ako sa pagta-type sa laptop, bigla akong tinawag ni Amarah. "Athena." "Hmm? Bakit?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa screen. Napansin kong nakatitig siya sa akin nang may pagtataka. "Bakit mo pala hindi sinasagot si Marco?" Napalingon ako sa kanya. "Si Marco?" ulit ko. Tumango siya. "Oo. Halata namang gusto ka no'n. Kanina pa nga nakatingin sa'yo sa classroom." Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko kasi siya type." "Ha? Gwapo kaya no'n!" reklamo n'ya. Napangiti ako at umiling. "Ewan ko. Hindi ko talaga gusto." "Kung gano'n, ano bang tipo mo?" usisa n'ya. Sandali akong nag-isip bago sumagot. "Gusto ko kasi 'yung mas mature... 'yung mas matanda sa akin." Nanlaki agad ang kanyang mga mata. "Gaano katanda?" Napatawa ako sa reaksyon n'ya. "Basta mas matanda. 'Yung tipong alam na kung ano ang gusto sa buhay at may sense kausap." "Sus! Kaya pala hindi mo pinapansin ang mga manliligaw mo rito sa school," natatawang sabi n'ya. Napailing na lamang ako at muling ibinalik ang atensyon sa laptop. Ngunit hindi ko alam kung bakit, sa mismong sandaling iyon, isang pamilyar na mukha ang biglang sumagi sa isip ko. At 'yon ang lalong ikinagulo ng aking isipan. Nang matapos namin ang presentation, pareho na kaming nahiga ni Amarah sa kanyang kama. Pagod na rin kami sa buong araw na klase kaya balak na sana naming matulog. Tahimik na sana ang buong silid nang bigla siyang nagsalita. "Athena, pwede bang may favor akong hihingin?" Napalingon ako sa kanya at agad na nagtaka sa tono ng boses n'ya. "Ano na naman 'yan? Baka isa na naman 'yan sa mga kalokohan mo, Amarah. Patay tayo sa daddy mo kapag nalaman niya," mahabang sabi ko. Ngumiti siya nang alanganin. "Monthsary kasi namin ni Jay bukas." Agad akong napaupo at tinitigan s'ya. "Tapos?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Lalo pang lumawak ang kanyang ngiti, dahilan para kabahan ako. "Kasi... nagpaalam ako kay daddy kahapon. Sinabi kong sa inyo ako matutulog bukas." Naningkit ang mga mata ko. "At?" "Pero ang totoo..." bahagya siyang napatawa. "Sa condo talaga ni Jay ako pupunta." Napahilamos ako ng mukha sa narinig. "Naku, Amarah naman!" "Ano ba? Monthsary lang naman namin." "Monthsary? Kaya magsisinungaling ka sa daddy mo?" sita ko. Napasimangot siya at yumakap sa unan. "Hindi naman kasi ako papayagan ni daddy kapag sinabi ko ang totoo." "Natural! Kaya nga hindi ka pinapayagan." "Please na, Althea." Umiling ako. "Ayaw ko ngang madamay sa mga kalokohan mo." Umusog siya palapit sa akin at pinagdikit ang mga palad na parang nagmamakaawa. "Isang gabi lang. Kapag tinawagan ka ni daddy, sabihin mo lang na nasa inyo ako." Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang pagsisinungaling sa daddy niya o ang posibleng mangyari kapag nalaman nitong kasabwat ako. "Amarah..." babala ko. Ngunit sa nakikita kong pamilyar na pakiusap sa kanyang mga mata, alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto n'ya. At iyon ang mas lalong nagpapasakit ng ulo ko. "Makikipag-sex ka lang doon, eh?" sabi ko habang nakataas ang isang kilay at pinagdududahan ang kanyang mga sinasabi. Agad siyang napaiwas ng tingin at napakamot sa batok. "Natural lang naman 'yon sa magkasintahan," depensa n'ya. Mas lalo ko siyang pinagmasdan. "Amarah... " Ano ba?" reklamo n'ya. Napabuntong-hininga siya bago niyakap ang kanyang unan. "Ilang linggo na rin kasi kaming hindi nagsesex ni Jay. Siyempre gusto rin naming makapag-spend ng time sa monthsarry Namin nang kami lang." Hindi ako agad nakasagot. Kung titingnan si Amarah, iisipin mong napakainosente niyang babae. Palagi siyang masayahin, makulit, at parang walang iniisip na problema sa buhay. Pero habang tumatagal, mas lalo kong nakikitang marami rin pala siyang itinatagong sikreto. "Kahit na," sabi ko. "Hindi pa rin tama na magsinungaling ka sa daddy mo." Napasimangot s'ya. "Alam ko naman." "Eh bakit mo pa ginagawa?" "Dahil hindi niya ako papayagan." Napailing na lamang ako. Mahal na mahal ni Amarah ang kanyang ama, at alam kong ganoon din ito sa kanya. Kaya alam kong hindi magugustuhan ng daddy niya ang planong ito. "Please, Althea," muling pakiusap niya. "Isang gabi lang naman." Tinitigan ko siya nang matagal bago napabuntong-hininga. Talagang marunong mangulit ang babaeng ito. At sa paraan ng pagngiti niya sa akin, pakiramdam ko ay matagal na niyang alam na mahihirapan akong tanggihan s'ya. "Bahala ka na nga," sabi ko habang napapailing. Wala na rin naman akong magagawa. Kilala ko si Amarah. Kapag may naisip na itong plano, mahirap na iyong pigilan. Agad namang lumiwanag ang kanyang mukha. "Salamat, Athena! Excited na ako para bukas!" masaya niyang sabi habang yakap ang unan. Napatingin ako sa kanya nang may hinala. "Excited sa ano?" tanong ko habang nakapikit ang isang mata. Nanlaki ang kanyang mga mata bago siya kunwaring inosente. "Ha? Wala!" "Amarah..." Napatawa siya nang mahina. "Excited lang akong makita si Jay." "Talaga lang?" duda kong tanong. Tumalikod siya sa akin at niyakap nang mahigpit ang unan. "Huwag mo na nga akong tanungin." Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan ang kanyang likod. "Ikaw talaga. Kapag nalaman ito ng daddy mo, pareho tayong lagot." Natawa s'ya. "Hindi malalaman ni Papa." "Sigurado ka?" "Oo naman." Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kumpiyansa niya, pero may kutob akong hindi magiging ganoon kadali ang lahat. At kung may isang taong hindi madaling lokohin, iyon ay ang daddy ni Amarah. Sa isip pa lamang na baka madamay ako kapag nabuking ang plano n'ya, nagsisimula na akong kabahan. Samantalang si Amarah naman ay halatang masayang-masaya at hindi na halos mapakali sa paghihintay sa susunod na araw.Ilang sandali muna akong nag-isip bago ko tuluyang sinagot ang tawag niya. Dahan-dahan kong inilapit ang cellphone sa tainga. "Hello, Athena, babe?" bungad niya mula sa kabilang linya. Halata ang pag-aalala sa boses niya. "Hello..." mahina kong tugon. Ilang segundo kaming parehong natahimik. "Ano'ng nangyari?" maingat niyang tanong. "Kanina pa kita tinatawagan. May problema ba?" Napapikit ako at napabuntong-hininga. Pakiramdam ko'y may malaking batong nakadagan sa dibdib ko.Huminga ako nang malalim, saka marahang nagsalita. "Kasi... nagdududa na siya." Biglang natahimik si Leonardo. "Anong ibig mong sabihin?" mas seryoso niyang tanong. "Kanina sa school... sinabi ni Amarah na pakiramdam daw niya may tinatago ka sa kanya." Napalunok ako. "Tapos... natatakot siyang baka may girlfriend ka na." Mariin kong ipinikit ang mga mata habang pinipigilan ang pagbuhos ng emosyon. "Leo... natatakot na ako. Natatakot akong malaman niya ang totoo. Natatakot akong masaktan siya... at higit sa lahat,
Pagkababa ko ng condominium building, agad akong sumakay ng taxi papunta sa school. Pagdating ko roon, kasabay ko ring bumaba si Amarah mula sa kanyang sasakyan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, tila nagtatakang makita akong naka-taxi. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nang makalapit ako, agad niya akong tinanong."Bakit naka-taxi ka ngayon?" usisa niya. "Nasira kasi ang sasakyan ko, kaya napilitan akong mag-taxi," pagsisinungaling ko. Tumango siya at sabay kaming naglakad papasok sa gate ng school. "Athena, si Daddy... hindi umuwi kagabi," bigla niyang sabi.Napahinto ako sandali at nakaramdam ng kaba. "Bakit naman?" tanong ko. "Hindi ko rin alam. Dalawang magkasunod na gabi na siyang hindi umuuwi. Nagtataka nga ako kung saan siya natutulog." Hindi ko napigilang mapaisip. "Hindi mo ba siya tinanong kung saan siya nagpalipas ng gabi?" maingat kong tanong. Umiling siya. "Hindi," maikli niyang sagot. Bigla siyang huminto sa paglalakad at hinarap ako. Tinitigan niya a
Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagulat ako nang maramdaman kong may mahigpit na yakap sa akin mula sa likuran. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at kasabay noon ay ang pagmulat din ng kanyang mga mata. "Good morning," malambing niyang bati habang nakangiti. Bago pa ako makapagsalita, marahan niyang idinikit ang kanyang mga labi sa aking noo. Napapikit ako sandali, dama ang kakaibang init na dulot ng simpleng halik na iyon. "You have class today?" tanong niya sa akin. Tahimik lang akong tumango bilang tugon. "Maliligo muna ako," sabi ko bago marahang bumangon sa kama at nagtungo sa banyo. Magbubukas na sana ako ng shower nang bigla akong makarinig ng katok sa pinto. "Babe..." mahina niyang tawag habang muli itong kumatok. "Bakit? Maliligo muna ako," sagot ko. Ngunit sa halip na sumagot, muli siyang kumatok. Napabuntong-hininga ako at napailing. Mukhang may mahalaga siyang sasabihin kaya lumapit ako sa pinto upang buksan iyon.Pagbukas ng pinto at pagpasok niyang muli,
Napairtad ako sa ginagawa niya. "Leonardo... shit," ungol ko, halos kapusin ng hininga. Walang seremonyas niya akong binuhat at pinaupo nang paharap sa kanyang mga binti. Lalong naging marahas ang aming mga halik, dahilan para mapigil ko ang aking hininga. At nang magsimulang gumapang ang kanyang mga palad sa aking hita paitaas, hindi ko na napigilang mapahiyaw sa sarap.Do you like it, Athena?" bulong niya, habang unti-unting gumagapang ang kanyang kamay sa loob ng aking panloob. "Oooh... ahhh, yes..." napaungol ako habang lalong kumakapit nang mahigpit sa kanyang leeg. Mabilis niyang hinubad ang suot kong damit at bra, dahilan upang lumantad sa kanyang harapan ang aking nagmamarka at sensitibong dibdib."Ooh, shit, Athena... hmmf," mura niya bago sinakop ng kanyang bibig ang isa kong hininga habang ang kamay naman niya ay marahang humahaplos sa kabila. "Auuuh... ahhh, yes... sige pa, Leonardo. Ang sarap..." Hindi ko na mapigilan ang matinding pagnanasa sa bawat ginagawa niya. Palip
Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at ngumiti sa akin. "Mag-order na lang tayo ng pagkain," saad niya. Ngumiti rin siya bago inilabas ang kanyang cellphone upang maghanap ng ma-oorder. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Sige, ikaw na ang bahala," sagot ko.. "Okay," aniya habang abala sa pagpili ng pagkain. Tumayo na rin ako mula sa sofa. "Maliligo muna ako," paalam ko sa kanya. "Sige. Nandito lang ako," sagot niya habang nakangiti. Tumango ako bago naglakad patungo sa kwarto. Nang makapasok ako sa loob, agad kong isinara ang pinto at napabuntong-hininga. Hindi ko pa rin mapigilang ngumiti habang naaalala ang mga sinabi niya kanina. Pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang mga pag-aalala ko. Maya-maya pa ay kumuha na ako ng pamalit na damit at nagtungo sa banyo upang maligo. Pumasok na ako sa banyo upang maligo. Ilang minuto rin akong nagtagal doon habang hinahayaan ang malamig na tubig na pawiin ang pagod na naramdaman ko sa buong araw. Pagkatapos maligo, nagbihis ako ng
Nang matapos ako sa paghahanda, lumabas na ako ng aking kwarto. Pagdating ko sa labas ng bahay, nadatnan ko na ang driver na naghihintay sa akin. "Alis na po tayo, Ma'am?" magalang nitong tanong. "Opo, Manong," sagot ko. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Nang makasakay ako, umikot siya sa kabilang bahagi at pinaandar ang kotse.Habang nasa biyahe, nakatutok lamang ang pansin ko sa aking cellphone. "Manong, huwag na po ninyo akong sunduin mamaya," sabi ko. "Okay po, Ma'am," sagot niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. "Bukas na lang po. Bukas ng hapon ninyo ako sunduin," nakangiting dagdag ko."Sige po, Ma'am." Nang makarating kami sa paaralan, agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa unang klase ko para sa araw na iyon. Pagdating ko sa silid-aralan ay wala pa si Amarah, kaya agad kong hinanap ang aking upuan at naupo. Ilang sandali pa ang lumipas nang dumating siya. Agad kong napansin na tila malungkot siya. Umupo siya sa tabi ko at tahimi
Matapos kaming kumain ay umakyat na kami sa itaas. Pagdating sa kuwarto ni Amarah, agad akong naligo at nagbihis ng komportableng pantulog. Samantala, si Amarah naman ay parang wala nang pakialam sa nangyari kanina. Mas ikinagulat ko pa nang makita ko siyang uminom ng sleeping pills."Baliw ka tala
Sorry po..."'yon na lamang ang naisagot ko. Punong-puno ng kaba ang aking dibdib habang hinihintay ang sasabihin n'ya. Ngunit sa halip na sumagot, ilang segundo lamang siyang nanahimik. Pagkatapos ay bigla niyang ibinaba ang tawag.Napatitig ako sa screen ng aking cellphone.Lalo akong kinabahan.
Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Amarah sa unibersidad. Habang naglalakad kami papunta sa aming classroom, hindi ko maiwasang mapailing nang mapansin ang malaking bag na dala niya. Alam ko kung ano ang laman noon.Mga damit na gagamitin niya mamaya at mga kakailanganin niya para sa kinabukasan.
Nakasakay ako ngayon sa sasakyan papunta sa school. Third-year college na ako sa isa sa mga kilalang unibersidad sa Manila. Pagdating namin sa tapat ng gate, agad kong kinausap ang driver."Kuya, dito na lang po ako. Huwag mo na akong ihatid sa loob," sabi ko habang inaayos ang aking bag. Tumango s







