ホーム / Romance / The Husband I Never Knew / Chapter 10: Fragments

共有

Chapter 10: Fragments

作者: Hannah Faye
last update 公開日: 2026-06-19 15:45:41

Pagkauwi ko mula sa Monteverde Holdings, pakiramdam ko naiwan doon ang kalahati ng utak ko.

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakagulo sa isip ko—ang katotohanang kasal pala ako o ang katotohanang pati ang lalaking sinasabing asawa ko ay wala ring maalala tungkol sa nangyari sa amin.

Tahimik akong bumagsak sa sofa habang nakatitig sa kisame.

Sa buong biyahe pauwi, wala akong ibang ginawa kundi ulit-ulitin sa isip ko ang mga nangyari sa opisina ni Lucien.

Ang marriage certificate.

Ang travel
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • The Husband I Never Knew   Chapter 13: The Pieces of Us

    Hindi ako makatulog.Mahigit isang oras na yata akong nakahiga sa kama, pero gising na gising pa rin ang isip ko. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto, tahimik na ang buong resort, at tanging tunog ng alon mula sa malayo ang naririnig ko.Pero imbes na makatulog, mas lalo lang akong nag-iisip.Nasa tabi ko ang envelope na ibinigay ng resort owner kanina. Kasama nito ang litrato namin ni Lucien at ang sulat na hanggang ngayon ay paulit-ulit kong binabasa.To my Sunshine,If I ever forget you...Find me again.— LucienIlang beses ko na itong nabasa, pero pareho pa rin ang epekto nito sa akin.Parang may humihila sa puso ko.Parang may bahagi ng sarili kong gustong umiyak kahit hindi ko alam kung bakit.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung tutuusin, ilang araw pa lang naman mula nang malaman kong may asawa pala ako. Hindi ko dapat maramdaman ang ganitong klaseng lungkot para sa isang lalaking hindi ko maalala.Pero sa tuwing tinitingnan ko ang litrato namin, paki

  • The Husband I Never Knew   Chapter 12: The Resort in Palawan

    Maaga akong nagising kinabukasan, pero hindi tulad ng mga nakaraang araw, hindi sakit ng ulo ang unang bumungad sa akin.Kakaiba ang pakiramdam ko.Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko mula nang makauwi ako galing sa Monteverde Holdings kahapon.Paulit-ulit kong iniisip ang mga dokumentong nakita namin, ang litrato sa dalampasigan, at ang mga alaalang pilit bumabalik sa isip ko.At higit sa lahat, ang pangalang iyon.Sunshine.Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing naiisip ko ang salitang iyon, parang may kung anong kumikirot sa loob ko.Parang may bahagi ng puso kong nakakakilala rito kahit hindi ko maalala kung bakit.Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa kama.Masyado nang maraming nangyayari sa buhay ko sa loob lamang ng ilang araw.Noong isang linggo, ang iniisip ko lang ay kung paano ko matatapos ang wedding preparations ng ex-boyfriend ko.Ngayon, may misteryosong asawa pala akong billionaire.At pareho kaming walang maalala tungkol sa isa't isa.Tumunog ang

  • The Husband I Never Knew   Chapter 11: Sunshine

    Umaga na naman. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang hinihimas ang sentido ko. Ilang araw na akong pabalik-balik sa sakit ng ulo, at pakiramdam ko alam ko na kung sino ang may kasalanan. Lucien Monteverde. O mas tama sigurong sabihin, ang katotohanang may asawa pala ako na hindi ko maalala. Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa gilid ng kama. Kahit anong pilit kong gawing normal ang araw ko, parang imposible na iyon ngayon. Tuwing gigising ako, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang marriage certificate. Tuwing matutulog naman ako, si Lucien ang huling naiisip ko. At nakakainis iyon. Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya maalala. Pero bakit parang siya na lang ang laman ng utak ko? Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. May bagong mensahe. Hindi ko na kailangang tingnan ang pangalan dahil alam ko na agad kung sino. Si Grace. Binuksan ko ang message at agad akong napapikit. **Good morning, Mrs. Billionaire.** Aba, maaga siyang sinapian ngayon.

  • The Husband I Never Knew   Chapter 10: Fragments

    Pagkauwi ko mula sa Monteverde Holdings, pakiramdam ko naiwan doon ang kalahati ng utak ko. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakagulo sa isip ko—ang katotohanang kasal pala ako o ang katotohanang pati ang lalaking sinasabing asawa ko ay wala ring maalala tungkol sa nangyari sa amin. Tahimik akong bumagsak sa sofa habang nakatitig sa kisame. Sa buong biyahe pauwi, wala akong ibang ginawa kundi ulit-ulitin sa isip ko ang mga nangyari sa opisina ni Lucien. Ang marriage certificate. Ang travel records. Ang litrato sa Palawan. At higit sa lahat, ang ekspresyon sa mukha niya nang sabihin niyang hindi niya rin maalala ang kasal namin. Hindi siya mukhang nagsisinungaling. At iyon ang mas lalong nakakainis. Mas madali sanang magalit kung alam kong may tinatago siya. Mas madali sanang sisihin siya kung sigurado akong siya ang may kasalanan. Pero hindi. Mukha siyang kasing-lito ko. At pareho kaming naghahanap ng sagot. Napabuntong-hininga ako at muling kinuha ang larawan mula sa m

  • The Husband I Never Knew   Chapter 9: The Wife I Can't Remember

    "According to the law..." Huminto sandali si Lucien habang nakatingin sa marriage certificate na nasa pagitan namin. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa akin. "You're my wife." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sandaling iyon. Mula nang makita ko ang pangalan niya sa marriage records, paulit-ulit ko nang sinasabi sa sarili ko na may mali. Baka may error ang system. Baka may kapangalan lang ako. Baka may kung anong pagkakamali sa dokumento. Pero ngayong kaharap ko na mismo ang lalaking nakasulat sa marriage certificate, wala na akong matakbuhan. Totoo ang lahat. Legal ang kasal. At ayon sa batas, asawa ko si Lucien Monteverde. Tahimik ang buong opisina. Kahit si Grace na kanina pa halos hindi mapakali ay wala ring masabi. Samantalang ako naman ay pilit inaayos ang gulong-gulong isip ko. Sa wakas ay nakahanap din ako ng boses. "Then explain it." Diretso akong nakatingin kay Lucien habang sinasabi iyon. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong makita ku

  • The Husband I Never Knew   Chapter 8: Face to Face

    Pagmulat ko pa lang ng mga mata kinabukasan, kaba na agad ang sumalubong sa akin.Buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos. Sa tuwing pipikit ako, marriage certificate ang nakikita ko. Kapag naman sinusubukan kong mag-relax, bigla kong naaalala ang tawag ng abogado ni Lucien Monteverde.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang makilala ang lalaking sinasabing asawa ko o ang malaman kung bakit wala akong maalalang kahit isang bagay tungkol sa kanya.Nakatayo ako sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok ko nang bumukas ang pinto ng kwarto."Girl! Bilisan mo na! Baka maunahan pa tayo ng ibang asawa niya!"Napapikit ako."Good morning din sa'yo, Grace."Tumawa siya at pumasok sa loob na parang siya ang may-ari ng condo.May dala pa siyang dalawang paper cups ng kape."Nagdala ako ng peace offering.""May balak ka na namang sabihin na ikakastress ko.""Possible."Inabot niya ang kape at umupo sa gilid ng kama ko.Tahimik muna kaming uminom habang pinapanood niya akong maghand

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 7 The Call From Lucien Monteverde

    "I'm calling on behalf of Mr. Lucien Monteverde."Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko. Marahil dahil sa nakaraang dalawang araw, wala na akong ibang iniisip kundi ang pangalan na iyon. Lucien Monteverde. Isang pangalan na hindi ko kilala.P

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 6: Searching My Husband

    Nagising ako dahil sa walang tigil na pagdoorbell. Paulit-ulit itong tumutunog na para bang may emergency sa labas ng bahay. Dahil sa inis, mas lalo ko lang niyakap ang unan at nagtago sa ilalim ng kumot. "Argh! Sino ba 'yan? Ang aga-aga!" Mahimbing pa sana ang tulog ko. Pagod na pagod ako

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 5 Husband Unknown

    Lucien Monteverde.Ilang segundo akong nakatitig sa pangalan na nakasulat sa dokumento habang pilit inuunawa ng utak ko ang lahat ng nangyayari.Sa totoo lang, pakiramdam ko ay may mali pa rin.Hindi dahil hindi ko nababasa nang tama ang pangalan.Hindi dahil may typo.Kundi dahil imposible lang ta

  • The Husband I Never Knew   CHAPTER 4: Impossible

    "What do you mean I'm married?!"Halos mapatalon ang lahat ng tao sa PSA office sa lakas ng sigaw ko.Napatingin sa amin ang mga nasa pila. May napahinto sa pagsusulat ng forms, may napalingon mula sa kabilang counter, at may ilang mukhang biglang nagkaroon ng bagong libangan para sa araw na iyon.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status