Makabasag pinggan na katahimikan ang bumabalot sa loob ng mamahaling sasakyang lulan ang dalawa. Makailang beses ng tinapunan ng saglit na tingin ni Enzo si Adriana ngunit ang tingin nito ay hindi naaalis sa mga establisyemento na dinadaanan nila. “Are you okay, Miss Adriana?” tanong ni Enzo. Binasag niya ang halos isang oras na katahimikan sa loob ng kaniyang sasakyan. Hindi sumagot si Adriana. Tila hindi nito narinig ang sinabi ng binata.“Kanina ka pa tahimik. Na-offend ba kita sa sinabi ko?” mas nilakasan pa ni Enzo ang boses niya para marinig iyon ni Adriana. “Galit ka ba?”“You can’t hurt me with your words, Lorenzo! Kahit gaano pa kasakit ‘yang sasabihin mo, basta patungkol ‘yan sa opinyon mo ukol sa akin, hindi ko iintindihin ‘yan. Alam ko namang sinabi mo lang ‘yon para patahimikin ako.”“Magaling ka palang bumasa ng tao…”“Wala ka ring pinagkaiba kay dad. Mahina rin ang tingin mo sa akin. Kaya siguro nilihim niya ang affair niya at ang bunga no’n kasi gano’n kababa ang tin
Read more