FAZER LOGINAMBERHalos maibato ko ang cellphone ko sa sobrang inis nang makita ko ang reply ni Haven. Sa dami ng mensaheng ipinadala ko sa kaniya, sa dami ng tanong ko at sa ilang araw kong paghihintay, iyon lang ang kaya niyang sabihin sa akin. I'm sorry? Dalawang salita lang, pero wala man lang paliwanag kung bakit niya ako iniwasan, kung bakit hindi niya sinagot ang mga tawag ko at kung bakit niya ako hinayaang malaman mula sa social media na ikinasal na siya kay Marga.“I'm sorry? Iyon lang talaga? Putanginá mo, Haven!” galit kong sigaw.Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko at ilang beses kong binasa ang mensahe. Gusto kong tawagan siya ulit, gusto kong tanungin kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin. Pero natatakot akong baka hindi na naman niya sagutin ang tawag ko. Mas lalo akong nainis sa sarili ko dahil kahit ganito na ang ginawa niya sa akin, umaasa pa rin akong may maayos siyang paliwanag.“Putanginá mo, Haven! Hay0p ka! Mamaga sana tite mo! Galisin sana yang bayág mong tangin
AMBERAbala ako sa pagpupunas ng mga mesa nang lumapit sa akin si Nico. Kanina pa ako tahimik na nagtatrabaho at halos wala akong ibang ginagawa kun'di ituon ang sarili ko sa bawat gawain. Para hindi na naman mapunta kay Haven ang isip ko. Ilang segundo niya akong pinagmamasdan bago siya tuluyang nagsalita.“Amber, paano mo nga pala nakilala si Mr. Villamor? Kahapon kasi nakita kitang kausap niya nang matagal. Mukhang komportable naman siya sa iyo kaya naisip ko kung matagal mo na ba siyang kilala,” wika ni Nico.Napatingin ako sa kaniya at bahagyang kumunot ang noo.“Mr. Villamor? Sino?”Napangiti si Nico dahil mukhang hindi ko talaga alam kung sino ang tinutukoy niya.“Yung kausap mo kahapon. Hindi mo ba alam kung sino siya?”Bigla kong naalala ang lalaki at tumango.“Ah, si Sir Jefferson.”“Oo, si Mr. Jefferson Villamor. Hindi mo ba talaga siya kilala? Sobrang yaman ng taong iyon. Siya ang may-ari ng Villamor Global Holdings at isa iyon sa pinakamalaking business groups. Malalaki
JEFFERSONMatapos naming mamili sa mall, hinatid ko na si Amber pauwi sa apartment niya. Habang nasa biyahe kami, panay ang pasasalamat niya dahil sa mga damit na binili ko para sa kaniya. Ilang beses pa niyang sinabi na sobra na iyon at hindi ko na sana kailangang gumastos. Pero nginitian ko lang siya dahil wala naman akong pagsisihan sa ginawa ko. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit gusto kong mapasaya siya kahit ngayon ko pa lang siya nakikilala nang mas mabuti.Pagdating namin sa apartment, agad siyang bumaba at kinuha ang mga shopping bag na dala namin. Bago siya tuluyang pumasok sa building, humarap siya sa akin at ngumiti.“Maraming salamat po, Sir Jefferson. Sobra-sobra na po ito. Hindi ko talaga alam kung paano ako makakabawi sa inyo dahil ang dami n’yo nang ginawa para sa akin kahit kakakilala lang naman natin.”Ngumiti ako sa kaniya at bahagyang umiling.“Wala kang kailangang ipagpasalamat nang sobra, Amber. Masaya akong nakilala kita at gusto ko lang naman na makatulong s
JEFFERSONHindi ko naman planong umuwi agad pagkatapos kong makausap si Amber. May ilang oras pa bago matapos ang araw at wala rin akong ibang kailangang puntahan. Kaya naisipan kong maglibot muna sa paligid. Matagal na rin mula nang makapaglaan ako ng oras para sa sarili ko nang hindi iniisip ang mga meeting, negosyo at kung anu-ano pang kailangang asikasuhin sa kumpanya. Pero kahit saan ako magpunta, hindi ko maiwasang maalala ang batang babaeng nakilala ko sa restaurant. May kakaiba sa kaniya na hindi ko maipaliwanag, lalo na sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin at kung gaano kabilis akong naging komportable sa presensya niya.Pagsapit ng hapon, bumalik ako sa restaurant dahil naisip kong baka naroon pa si Amber. Pagpasok ko, ilang sandali akong naghanap ng upuan bago ko siya nakita sa may gilid ng restaurant. Abala siyang nag-aayos ng mga gamit at halatang naghahanda nang umuwi. Nang mapansin niya ako, bahagya siyang nagulat bago ngumiti.“Amber, pauwi ka na ba? Kung ganoon, i
AMBERKINABUKASAN, hindi pa rin naman nawawala ang bigat na nararamdaman ko dahil sa nangyari kay Haven, pero ayoko nang buong araw na lang akong nakaupo at iniisip siya. Kaya abala ako sa pagkuha ng mga menu at pag-aayos ng mga mesa nang may pumasok na customer. Agad akong lumapit para kunin ang order niya, pero nang tuluyan ko siyang makita, napahinto ako at napangiti dahil nakilala ko agad ang lalaking tinulungan ko noong araw na isinugod ko siya sa ospital.“Magandang araw po. Ito po ang menu para makapili kayo.”Napangiti rin siya nang makita ako. At ilang segundo niya akong pinagmasdan bago siya tuluyang umupo sa isang mesa.“Amber, ikaw pala. Mabuti at nagkita tayo ulit dahil ilang araw ko nang gustong hanapin ka. Gusto kitang makausap at gusto ko ring bumawi sa ginawa mong pagtulong sa akin noong araw na iyon.”Umiling ako habang inilalagay ko ang menu sa harapan niya.“Hindi na po kailangan. Wala naman po akong ginawa na espesyal, nakita ko lang kayong nangangailangan ng tul
AMBERPagsapit ng gabi, nagdesisyon na akong umuwi. Hindi na rin ako masyadong nakapagtrabaho nang maayos buong araw dahil halos wala akong gana sa kahit ano. Nang matapos ang shift ko, lumapit sa akin si Nico at sinabi niyang ihahatid na niya ako sa apartment. Tumango na lang ako dahil wala rin akong lakas para tumanggi. Kaya sumakay ako sa sasakyan niya at tahimik lang kaming nagbiyahe.Pagdating namin sa apartment, agad akong bumaba at bago ako tuluyang pumasok ay humarap ako sa kaniya.“Salamat, Nico. Hindi mo na sana ako kailangang ihatid pero salamat pa rin. Pagod ka na rin siguro dahil ang dami mo ring ginawa kanina.”“Walang problema iyon, Amber. Mas mabuti nang alam kong nakauwi ka ng maayos kaysa mag-alala ako kung paano ka makakauwi.”Pumasok ako sa apartment at diretso akong naupo sa sofa. Wala akong ganang magpalit ng damit o gumawa ng kahit ano. Ilang segundo pa lang akong nakaupo nang mapansin kong hindi pa rin umaalis si Nico. Nakatayo lang siya malapit sa pinto habang







