“Uminom ka muna ng tubig.” Inabutan ni Bianca ng tubig si Megan dahil kanina pa ito tahimik habang kumakain naman na si Ethan dahil para bang gutom na gutom na ito.“Mabuti na rin at ligtas kayong lahat lalo na si Ethan. Napakademonyita talaga ng stepmother mo, Megan. Deserve pa bang mabuhay ng mga ganung tao? Akalain mo, ninakaw na sayo ang pagkatao mo. Ikaw itong palaging sinasabihan na anak sa labas. Bunga lang ng kasalanan pero siya pala itong makasalanan. May pinagmanahan din pala si Mariel pero mabuti na rin at nagising pa ang kaluluwa at konsensya ng babaeng yun.” Mataray na wika ni Kyline.Kahit na alam nilang may nagawang mabuti si Mariel, hindi pa rin nababawasan ang inis nila dito dahil silang mag-ina lang naman ang nagpahirap sa buhay ni Megan noong mga estudyante pa lang sila.“Nasa hospital din si Mariel dahil sinalo niya ang bala na dapat ay para kay Ethan. Si Tita Evelyn naman, mas pinili niyang magpakamatay kaysa ang harapin ang kahihiyan niya at makulong ng habang bu
Read more