Tulalang nakatingin sa kawalan si Megan habang nasa loob sila ng sasakyan ni Akira. Hindi nila alam kung saan sila pupunta dahil hindi nila alam ang kinaroroonan ng anak nila.Napatingin si Megan sa kamay niya nang hawakan iyun ni Akira.“I’m scared,” usal ni Megan. Sa mga nakalipas na ilang taon, pinilit niyang maging malakas at matatag. Hindi siya nagpakita ng kahinaan at takot pero ngayong nawawala ang anak nila, binabalot ng takot ang buong sistema niya.“I'll make sure we find Ethan. We'll do everything we can to find him.” Pagpapalakas ni Akira sa loob ni Megan pero napapailing pa rin si Megan.“Hindi natin alam kung saan siya dinala. At hindi rin natin alam kung ano na bang ginagawa nila sa anak natin ngayon. Hindi ko kakayanin kapag si Ethan ang nawala sa akin. Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay kapag nawala siya.”Hinalikan ni Akira ang likod ng palad ni Megan pero hindi pa rin nababawasan ang kaba at takot na nararamdaman ni Megan.Sumandal siya sa upuan at mariing ip
Read more