Pumasok na si Yuna sa school at tahimik lang siya. Nakatulala lang siyang nakatingin sa harapan. Naging masaya siya pansamantala kahapon dahil nakasama niya si Sandro at yun na lang ang nagpapagaan ng loob niya kapag naaalala niya ang gustong mangyari sa kaniya ng mga magulang niya. “Hoy, Yuna. Tulala ka na naman. Ano na naman bang problema mo?” Tanong sa kaniya ni Angelica. Hindi sumagot si Yuna dahil inihiga nito ang ulo niya sa lamesa ng upuan niya. Ayaw niyang magsalita. Wala siyang gustong kausapin dahil wala siyang gana. Naiinis pa rin siya sa nangyayari sa buhay niya. Pagdating ng teacher nila ay natahimik na silang lahat at nakinig na lang sa mga lessons nito. Pagsapit ng lunch break, sabay nang nagtungo ng cafeteria si Yuna at Angelica. “Ano bang nangyari sayo? Bakit parang ang pangit ng araw mo ngayon?” Kuryoso pa ring tanong ni Angelica dahil hindi man lang sumasagot sa kaniya si Yuna. “Wala, wala lang ako sa mood na makipag-usap ngayon.” Walang gana niyang sagot. “Sa
Read more