Maaga pa lamang ay nagluluto na si Megan ng babaunin niya for lunch para maiwasan niya si Akira at ang mga nakakakilala sa kaniya. Ikukulong niya na lang ang sarili niya sa office niya, lalabas na lang siya kapag kailangan siya at kapag uwian na.“Mom, why are you cooking so early?” Napatingin si Megan sa anak niya na kagigising lang. Napangiti siya saka niya ito nilapitan.“You woke up so early, sweetie. Natulog ka pa sana.”“I can't sleep anymore, Mommy, because you're not my side anymore. What are you cooking? Why are you the one cooking? We have plenty of cookers here po diba?” Pinaupo ni Megan ang anak niya sa upuan saka niya ito tinimplahan ng gatas.“Gusto ko ako ang maghahanda ng babaunin mo sa school anak. Don't you just love my cooking? Don't you want me to cook your meals?”“Of course, I want po.” Nakangiting sagot ni Ethan. Napangiti na lang din si Megan saka niya pinagpatuloy ang pagluluto niya nang matimplahan niya ng gatas ang anak niya.“Mommy,” tawag sa kaniya ng anak
閱讀更多