Nailipat na sa isang private room ang Senyora. Hindi pa rin umaalis si Megan kahit na stable naman na ang matanda. Nakatayo lang siya sa gilid ni Estrella at nakatingin dito. Nang tumunog ang cellphone niya ay sinagot niya ito.“Heaven, where are you? Hindi ka ba papasok ngayon? Are you okay?” Tanong ni Rico sa kaniya.“I’m sorry, Rico. Susunod na lang ako, may kinailangan lang akong gawin. Nandyan na ako kanina pero may kinausap lang ako. Babalik din ako.” Sagot niya.“Okay, take care.” Ibinaba na ni Megan ang tawag. Sakto namang bumukas ang pintuan at nagmamadaling pumasok si Akira. Nagulat pa si Akira ng makita niya si Megan sa loob ng kwarto ng lola niya.“What are you doing here?” tanong ni Akira.“I’m sorry,” tanging sagot ni Megan. Hindi naman galit si Akira. Ayaw niyang pangunahan kaagad ng galit kahit na hindi pa niya alam ang totoong nangyari.“What happened? Bakit magkasama kayo ni lola?” Tanong niya.“Pinuntahan niya ako sa Lumière Couture. Nag-usap kaming dalawa at hindi
Baca selengkapnya