Share

Kabanata 37

Author: Rhea mae
last update publish date: 2026-07-09 20:56:48

Nagtungo na ng bar sina Megan para maibsan ang nararamdaman niya. Hindi naman masakit sa kaniya na tinanggal siya sa trabaho niya. Hindi niya lang maintindihan kung bakit personal siyang inaatake ng mga Del Valle at Sinclair. Natatakot sila na baka maghabol ng mana si Megan? Ni minsan ay hindi niya inisip na maghabol sa yaman ng mga ito. Kontento na siya sa buhay at naabot na mayroon siya ngayon.

“Yes! Let’s enjoy this night!” Tuwang-tuwang wika ni Kyline habang sumasayaw na ito.

“Iwan mo muna
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
bujgab
more upadates
goodnovel comment avatar
Archie Love Archie
taz makuha c Megan ng karibal nyo sa negoxo at magboom in edi wow sa inyo hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 86

    Gabi na pero nakatitig pa rin si Megan sa singsing niya na ibinigay ni Akira noong teenager pa lang sila. Hindi niya akalain na makikita at mahahawakan niya ulit ito. Ang akala niya noon ay ibibigay ni Akira kay Ate Mariel niya ang singsing dahil hindi naman siya ang totoong fiance.Hinaplos ni Megan ang engagement ring niya saka siya tumingin sa kalawakan. Napabuga siya ng hangin at napapaisip kung ano bang dapat niyang gawin. Nakita niya kung gaano kasaya ang anak niya habang kasama nila si Akira. Karapatan naman talaga ni Ethan na makilala at makasama ang kaniyang ama pero alam niyang hindi magiging madali ang lahat para sa kanila.Masyadong komplikado dahil sa mga pamilya nila. Hindi siya ang gusto ni Senyora Estrella para kay Akira dahil nakatakda nang ikasal si Akira at Mariel para sa negosyo ng pamilya nila.Mariing ipinikit ni Megan ang mga mata niya saka siya muling napabuntong hininga.“Ano bang dapat kong gawin?” Usal niya sa sarili niya. Aminin man niya o hindi, alam niya

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 85

    Nang matapos silang kumain ay idinala nila sa mall si Ethan dahil may cartoon movies ito na gustong panoorin. Bumili na si Akira ng ticket at mga pagkain na makakain nila sa loob. Tuwang-tuwa naman si Ethan nang makaupo sila sa harap. Tumabi ito sa mommy niya kahit na gusto nilang paggitnaan siya pero mas gusto niyang magkatabi ang mommy at daddy niya.Napapatikhim na lang si Megan dahil sa tuwing kukuha siya ng pagkain ay nagtatama ang mga balat nila ni Akira. Si Akira ang may hawak ng mga binili nitong pagkain. Hindi magawang magfocus ni Megan sa pinapanuod nila dahil mas apektado siya ng presensya ni Akira.Ramdam niya na ang lamig ng sinehan kaya napapahaplos na lang siya sa sarili niya. Napansin naman iyun ni Akira kaya ibinaba niya na muna ang hawak niya at inalis ang suit niya. Inilagay niya iyun sa ibabaw ng balikat ni Megan kaya napapatingin si Megan sa kaniya.“Okay lang naman ako.” Nahihiyang sambit ni Megan.“Alam kong nilalamig ka na kaya isuot mo na lang yan.” Sagot ni A

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 84

    Humugot ng malalim na buntong hininga si Megan nang salubungin niya ang inosenteng mga mata ni Ethan.“He is,” tipid niyang sagot na ikinangiti lang ni Ethan. Akala niya ay itatago pa rin sa kaniya ng mommy niya ang totoo. “Alam kong kilala mo na siya bilang si Akira pero siya ang daddy mo, anak.” Dagdag ni Megan.“He’s handsome mommy like me.” Bahagya na lang na natawa si Megan sa anak niya. Hindi na siya nagtaka kung bakit parang hindi na nagulat ang anak niya sa narinig. Inisip niya na lang na baka masaya lang talaga ito na makilala ang daddy niya.“Oo naman, anak. Ako ang nagdala sayo sa loob ng siyam na buwan pero siya pa rin ang kamukha mo. Isn't that a bit unfair to me?” Tumawa naman si Ethan saka ito inosenteng nagkibit balikat.“Anyway, wala ka bang itatanong sa akin? Hindi ka ba man lang nagulat na makita at makilala siya bilang daddy mo?” Iniwas ni Ethan ang paningin niya. Hindi siya pwedeng mahuli ng mommy niya. Hindi pwedeng malaman nito na siya ang nagsabi sa daddy niya

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 83

    Parehong gising pa rin si Megan at Akira habang tulog naman na si Ethan. Malapit nang lumalim ang gabi pero gising pa rin ang mga diwa nila.“How did you find out about Ethan?” tanong na ni Megan dahil hindi niya na kayang manahimik. “When did you find out?” Sunod niyang tanong.“Paalis na sana ako ng bansa dahil yun ang usapan namin ni lola. Kapalit ng pagkansel ng kasal namin ni Mariel, kailangan kong lisanin ang bansang ‘to at hindi na babalik pa. Nakita ko si Ethan sa balcony ng bahay niyo nang puntahan kita dun. Nakita ko ulit siya sa school at binigyan ng chocolate. Nalaman kong Ethan Sinclair ang pangalan niya at nagtaka na ako. Anong ginagawa ng isang bata sa loob ng pamamahay mo? Bakit pareho kayo ng apilido? Hindi ko maiwasang hindi magtaka, Megan. Una kong inisip, is he my son?” Gumawa na lang ng kwento si Akira para pagtakpan ang anak niya.“Bakit mo itinago sa akin na may anak pala tayo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Sunod-sunod niya namang tanong kay Megan.“Dahil wala

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 82

    Nanatili si Akira sa tabi ng anak niya kahit na tahimik lang sila ni Megan na naghihintay na magising ang anak nila. Ipinalipat niya ito ng kwarto para hindi maexpose ang anak niya sa mga pasyente sa emergency room na may mga sakit.“Mr. Del Valle,” tawag ng isang doctor kay Akira kaya napalingon silang dalawa ni Megan.“Gising na si Miss Sinclair,” sambit nito. Tumango lang si Akira at tila walang balak na iwan ang anak niya. Nang masabi na ng doctor ang kailangan niya ay umalis din ito kaagad.Tiningnan ni Megan si Akira dahil nakatitig pa rin ito kay Ethan. Wala pang planong tumayo para puntahan si Mariel.“Puntahan mo na si Ate Mariel, ako na ang bahala kay Ethan.” Ani ni Megan pero nanatili ang mga mata ni Akira kay Ethan.“I want to stay here.”“Pero kailangan ka rin ni Ate Mariel. Ikaw ang nagdala sa kaniya rito hindi ba? Go to her and come back here later.” Napatingin si Akira kay Megan. Nahihirapan siyang magdesisyon pero kailangan niya ring i-check si Mariel.Tumango si Akir

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 81

    Hindi umalis si Akira kung nasaan si Ethan. Gusto niyang tingnan ang anak niya pero busy pa ang mga nurse sa ginagawa nila.“What happened?” mahinang usal ni Akira. Nag-aalala na para sa kalagayan ng anak niya. Okay naman at masigla ang anak niya ng huli niya itong makita.“How is he? What happened to him?” Sunod-sunod niyang tanong. Hindi niya kayang tumayo lang sa gilid habang walang malay ang anak niya. Hindi siya mapakali dahil baka may sakit ng dinadala ang anak niya at walang nakakaalam.“Sir, pasensya na po pero kailangan muna naming unahin ang pasyente. Tumabi po muna kayo.” Seryosong wika ng nurse. Hindi nila mahanapan ng ugat si Ethan para sana lagyan ito ng dextrose.Matangkad na si Akira pero tumitingkayad pa siya para makita ang anak niya. Maputla na ito at tila ba naubusan na ng dugo.“Ano bang nangyari? Sinong nagdala sa kaniya rito?” Tanong niya ulit. Nakalimutan niya ng si Mariel ang idinala niya ng hospital. Walang sumagot sa kaniya kaya naiinis na siya. Alam niyang

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 7

    Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 6

    Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 5

    Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 4

    Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status