Ramdam ni Megan ang titig sa kaniya ng anak niya kaya kunot noo niya na itong tiningnan.“Is something wrong, baby? May gusto ka bang sabihin sa akin?” Tanong ni Megan. Hindi siya mapakali kapag nakatitig sa kaniya ang anak niya pero wala naman itong sinasabi sa kaniya. Napabuntong hininga naman si Ethan na para bang matanda.“Anak, kung may gusto kang sabihin sa akin, sabihin mo na sa akin. Tell me,” seryosong utos ni Megan. Iniwas naman ni Ethan ang paningin niya saka ito kumain ng chips na kanina pa nila kinakain.“I’m just curious mommy kung talaga bang kasal na si daddy at may sarili na itong pamilya. Are you really sure about it po?” Magalang pa rin niyang tanong.“Anak, bago pa ako umalis ng bansang ito at isilang ka sa New York, nakatakda ng ikasal ang daddy mo sa ate ko.”“Mommy, I’m still curious po eh. Kung may relasyon naman na pala kayo ni daddy before bakit nakatakda siyang ikasal sa ate mo? I’m sorry to use these words mommy, I respect you po. I truly respect you but I
Baca selengkapnya