แชร์

Kabanata 42

ผู้เขียน: Rhea mae
last update วันที่เผยแพร่: 2026-07-12 16:14:40

Tiningnan ni Megan ang anak niya, pansin niyang para bang nawala ang kinang sa mga mata nito. Alam niya kung may problema ba ang anak niya. Nalulungkot ba ito dahil sa bagong school niya? Hindi pa ba ito nakakapag-adjust?

“Anak, are you okay? May problema ba? You can tell it to me.” Malambing na tanong ni Megan. Umiling naman si Ethan habang patuloy pa rin itong kumakain.

“Matagal na kitang kilala anak. Alam ko kapag may gumugulo sa isip mo at wala. Tell me baka sakaling matulungan kita. Sa sch
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
bujgab
more update
goodnovel comment avatar
Archie Love Archie
well alam na ng anak mo Megan,,Kya mgsabi kna
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 88

    Naupo na si Megan at hinarap ang mga pagkain na nakahain na sa harapan niya. Tiningnan niya ang mga pagkain na ipinadala ni Akira sa kaniya. Natakam siya kaagad sa mga sea foods. Napangiti siya, mukhang naaalala pa ni Akira na mahilig siya sa mga sea foods lalo na sa hipon.Naghain siya ng sea foods at nakita niyang wala ng balat ang mga hipon. Nang makita niyang may nagmessage sa cellphone niya ay tiningnan niya iyun.[Personal kong nirequest sa chef ang sea foods dahil alam kong paborito mo yan. Napansin ko lang noong nasa La Union pa tayo. Pinabalatan ko na rin yung hipon para hindi na marumihan pa ang mga magaganda mong kuko. I hope you like it.] Message ni Akira.Napapangiti na lang si Megan. Kita naman ni Rico ang matamis na ngiti ni Megan habang may tinitingnan ito sa cellphone niya.“Taste this, Megan. Isa ito sa mga paborito kong pagkain and I’m sure na magugustuhan mo rin.” Agaw atensyon ni Rico kaya ibinaba na ni Megan ang cellphone niya. Tiningnan niya ang pagkain na inila

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 87

    Abala si Megan sa trabaho niya nang may kumatok sa pintuan niya.“Come in,” sagot niya ng hindi iyun tinitingnan. Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya at ng makita niyang nakapasok na ang mga ito ay inangat niya na ang ulo niya. Bahagya naman siyang nagulat ng makita niya si Mr. Aquino at may kasama itong babae.“Mr. Aquino,” sambit ni Megan saka siya tumayo at nilapitan ang mga ito.“Kumusta ka na, Miss Sinclair? Pasensya na kung ngayon ka lang namin nabisita. I hope you’re fine after what happened in the hotel.” Nakokonsensyang wika ni Mr. Aquino. Bahagyang ngumiti si Megan.“Okay na ako, Mr. Aquino. Huwag mo na akong alalahanin. Hindi mo naman kasalanan yung nangyari.”“Kung sumama lang din sana ako noong araw na yun sa asawa ko baka sakaling hindi yun nangyari sayo, Miss Sinclair. Sana hindi yun ang maging dahilan para hindi mo tanggapin ang gusto namin sayo. Ikaw ang gusto kong gumawa ng magiging birthday gown ko, Miss Sinclair.” Sambit naman ng asawa ni Mr. Aquino.“Don’t worry,

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 86

    Gabi na pero nakatitig pa rin si Megan sa singsing niya na ibinigay ni Akira noong teenager pa lang sila. Hindi niya akalain na makikita at mahahawakan niya ulit ito. Ang akala niya noon ay ibibigay ni Akira kay Ate Mariel niya ang singsing dahil hindi naman siya ang totoong fiance.Hinaplos ni Megan ang engagement ring niya saka siya tumingin sa kalawakan. Napabuga siya ng hangin at napapaisip kung ano bang dapat niyang gawin. Nakita niya kung gaano kasaya ang anak niya habang kasama nila si Akira. Karapatan naman talaga ni Ethan na makilala at makasama ang kaniyang ama pero alam niyang hindi magiging madali ang lahat para sa kanila.Masyadong komplikado dahil sa mga pamilya nila. Hindi siya ang gusto ni Senyora Estrella para kay Akira dahil nakatakda nang ikasal si Akira at Mariel para sa negosyo ng pamilya nila.Mariing ipinikit ni Megan ang mga mata niya saka siya muling napabuntong hininga.“Ano bang dapat kong gawin?” Usal niya sa sarili niya. Aminin man niya o hindi, alam niya

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 85

    Nang matapos silang kumain ay idinala nila sa mall si Ethan dahil may cartoon movies ito na gustong panoorin. Bumili na si Akira ng ticket at mga pagkain na makakain nila sa loob. Tuwang-tuwa naman si Ethan nang makaupo sila sa harap. Tumabi ito sa mommy niya kahit na gusto nilang paggitnaan siya pero mas gusto niyang magkatabi ang mommy at daddy niya.Napapatikhim na lang si Megan dahil sa tuwing kukuha siya ng pagkain ay nagtatama ang mga balat nila ni Akira. Si Akira ang may hawak ng mga binili nitong pagkain. Hindi magawang magfocus ni Megan sa pinapanuod nila dahil mas apektado siya ng presensya ni Akira.Ramdam niya na ang lamig ng sinehan kaya napapahaplos na lang siya sa sarili niya. Napansin naman iyun ni Akira kaya ibinaba niya na muna ang hawak niya at inalis ang suit niya. Inilagay niya iyun sa ibabaw ng balikat ni Megan kaya napapatingin si Megan sa kaniya.“Okay lang naman ako.” Nahihiyang sambit ni Megan.“Alam kong nilalamig ka na kaya isuot mo na lang yan.” Sagot ni A

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 84

    Humugot ng malalim na buntong hininga si Megan nang salubungin niya ang inosenteng mga mata ni Ethan.“He is,” tipid niyang sagot na ikinangiti lang ni Ethan. Akala niya ay itatago pa rin sa kaniya ng mommy niya ang totoo. “Alam kong kilala mo na siya bilang si Akira pero siya ang daddy mo, anak.” Dagdag ni Megan.“He’s handsome mommy like me.” Bahagya na lang na natawa si Megan sa anak niya. Hindi na siya nagtaka kung bakit parang hindi na nagulat ang anak niya sa narinig. Inisip niya na lang na baka masaya lang talaga ito na makilala ang daddy niya.“Oo naman, anak. Ako ang nagdala sayo sa loob ng siyam na buwan pero siya pa rin ang kamukha mo. Isn't that a bit unfair to me?” Tumawa naman si Ethan saka ito inosenteng nagkibit balikat.“Anyway, wala ka bang itatanong sa akin? Hindi ka ba man lang nagulat na makita at makilala siya bilang daddy mo?” Iniwas ni Ethan ang paningin niya. Hindi siya pwedeng mahuli ng mommy niya. Hindi pwedeng malaman nito na siya ang nagsabi sa daddy niya

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 83

    Parehong gising pa rin si Megan at Akira habang tulog naman na si Ethan. Malapit nang lumalim ang gabi pero gising pa rin ang mga diwa nila.“How did you find out about Ethan?” tanong na ni Megan dahil hindi niya na kayang manahimik. “When did you find out?” Sunod niyang tanong.“Paalis na sana ako ng bansa dahil yun ang usapan namin ni lola. Kapalit ng pagkansel ng kasal namin ni Mariel, kailangan kong lisanin ang bansang ‘to at hindi na babalik pa. Nakita ko si Ethan sa balcony ng bahay niyo nang puntahan kita dun. Nakita ko ulit siya sa school at binigyan ng chocolate. Nalaman kong Ethan Sinclair ang pangalan niya at nagtaka na ako. Anong ginagawa ng isang bata sa loob ng pamamahay mo? Bakit pareho kayo ng apilido? Hindi ko maiwasang hindi magtaka, Megan. Una kong inisip, is he my son?” Gumawa na lang ng kwento si Akira para pagtakpan ang anak niya.“Bakit mo itinago sa akin na may anak pala tayo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Sunod-sunod niya namang tanong kay Megan.“Dahil wala

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 2

    Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 5

    Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 4

    Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 3

    Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status