Tyler "Bakit mo naman naisip na mag-inom tayo ngayon?" Tanong sa akin ni Thomas nang dalhin ko sila sa isang mamahaling bar dito sa Maynila. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang ay gusto kong uminom ng alak. Habang nag-aabang si Thomas sa sagot ko, si Archangel naman ay nakapandekwatro nang upo sa malaking sofa. May hawak na libro at nagbabasa. Tanaw namin mula dito ang mga nagsasayawan na nasa stage at mukhang kaya lang siya sumama dahil ako ang nag-aya. "Tyler," seryosong tawag sa akin ni Thomas na ngayon ay naghihintay ng aking sagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bakit nga ba ako nag-aya? Tinapik ko ang kanyang balikat. "Just drink, Thomas." Nagkasalubong ang kanyang kilay, pero agaran ding lumapad ang ngiti sa kanyang labi. "Sige na nga," sambit niya at tumabi kay Archangel na ngayon ay sinamaan na siya ng tingin. "Those deary eyes of you, I wonder if women will line up just to be with you." "Sira ka, Thomas, kaya nga siya pinipi
Read more