Natasha ‘What did my mother tell you earlier?” He asked the moment he closed the window of his car. I shook my head not wanting to suplong our plan. “Natasha,” may pagbabanta sa kanyang boses, pero itinikom ko ang aking bibig at nanatiling walang sinabi. Akala ko ay makikipagtalo pa siya, pero sa huli ay nagpatalo na siya at pagkatapos ay bumusina saka pinaandar ang sasakyan. Sa buong biyahe, ang isang kamay niya ay nagmamaneho habang ang isa naman ay nasa may hita ko, kung saan minsan ay hinahaplos ang aking hita, kaya nagsitaasan ang balahibo ko, pero siyempre pinigilan ko ang sarili kong pagsabihan siya.He was extra clingy these past few days. Halos ayaw na niyang mawala ako sa kanyang paningin kahit saglit lang. Sa tuwing malalayo ako sa kanya, kahit ilang minuto lang, para na niya iyon ikakamatay. Halos mabaliw na siya at kulang na lang ay ipahanap ako sa mga pulis. Napailing na lamang ako. Sa huli ay pareho naming pinili na hayaan na lang ang mangyayari sa amin, basta
Read more