Natasha Halos malagutan na ako sa hininga nang makita kong si Tyler Smith iyon. Madilim ang paningin ko. "You're just here, hmm." Untag niya na para bang pinagtataguan ko siya. Napalunok ako. Gusto kong umatras. Gusto kong magtago. Kung maaari nga ay kainin na ako ng lupa, pero walang nangyayari. Our gaze met. My heart was beating loudly. Parang sa sandaling iyon, nablangko ang aking isipan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanuyo ang aking lalamunan. "T-Tyler," halos namamaos kong tawag sa kanyang pangalan. "So you still remember me, huh?" Sarkastiko niyang sinabi. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang sa sandaling iyon, nakalimutan ko kung ano ang gusto kong sabihin. Parang... natatameme ako ngayong nasa harapan ko siya. Mabilis niyang hinablot ang aking kamay, sapat lang upang hindi ako masaktan, saka kami umalis doon sa kuwartong iyon. Patricia called me, ngunit dahil masyadong mahigpit ang pag
Read more