Lindsay POV Ang mga sumunod na linggo ay naging isang mabilis at nakalulunod na siklo. Sa umaga, ako ang perpektong senior assistant ng CEO, malamig, propesyonal, at laging alerto sa bawat galaw sa loob ng Green Holdings. Ngunit sa sandaling magsara ang pinto ng opisina ni James, o kapag dinala niya ako sa kaniyang penthouse, nagbabago ang lahat. Walang gabi na hindi niya ako inaangkin, walang pagkakataon na hindi ko ibinibigay ang aking katawan sa kaniyang mararahas at mapang-akit na haplos. Tuluyan nang nawala ang anomang bakas ng guilt sa akin. Sa tuwing nakakasabay ko si Jake sa elevator o sa mga corporate meeting, nagagawa ko na siyang tignan nang diretso sa mga mata nang walang emosyon, sa kabila ng lungkot na nakaguhit sa kaniyang mukha. Alam kong nagdududa siya, ngunit ang kapangyarihan at proteksyon ni James ang nagsisilbing kalasag ko. Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga papeles sa desk sa loob ng opisina ni James, bigla siyang tumayo mula sa kaniyang executive
Last Updated : 2026-07-05 Read more